Chapter 28

400 29 19
                                    

Warning: R-18.

NAIARA

I heard everything.

Hindi ko man intensyong makinig, imposible iyon dahil medyo may kalakasan ang mga boses nina Felip at Pablo noong nagtatalo. Sumasakit ang dibdib ko habang pinakikinggan sila, lalo na noong mabanggit ang mental health ni Felip.

He never told me about it, even before. He never mentioned that he was having insomnia and anxiety. He looked perfectly fine whenever we see each other years ago. Walang kahit anong indikasyon na mayroon pala siyang sleeping disorder

Parang tinusok nang paulit-ulit ang puso ko nang marinig ko pa kay Pablo na ako ang dahilan kung bakit na-diagnose sa depression si Ken. Bumalik at mas lumala 'yung sleeping disorder niya dahil sa akin. He suffered with mental health issues.

Mas lalo akong nakaramdam ng guilt sa ginawa kong pagpapalayo sa kaniya, sa pananakit ko sa kaniya. Hindi ko alam na gano'n. Akala ko . . . makakaya niya. Akala ko mas matatag siya kaysa sa akin dahil siya itong lalaki. Akala ko hindi ako nagkaroon ng ganoong kalaking impact sa buhay niya.

Tulala ako sa mga papeles na kailangan kong pirmahan. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga narinig ko kahapon kina Pablo at Ken. Ang isa pang gumugulo sa akin ay 'yung tungkol sa kanilang magkakagrupo. Anong nangyari? Mukhang mga nagkaroon sila ng alitan. At . . . isa ba ako sa mga dahilan?

Kumunot ang noo ko sa pagpipigil ng luha. I love them five. I love their group. Kaya kung isa man ako sa mga dahilan ng pagkakaroon nila ng alitan, sobra-sobra naman pala ang nagawa kong pagkakamali. Hindi ko lang nasaktan si Felip, ginulo ko pa pati ang samahan nilang lima.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko nang tumunog ang cellphone ko para sa tawag ni Felip. Sinagot ko ito nang makalma ko ang sarili.

"Hi!" I answered as I sniffed.

"Hi. Kumusta ka diyan?"

I smiled and suppressed my tears once again. "I-I'm fine. Just doing some paperwork."

Ilang sengundo bago siya nakatugon.

"Are you okay?" he suddenly asked as if he felt something.

Para akong mas lalong naiiyak. I guessed he knows me better than I thought. He loves me more than what I expected. I didn't know that he was already this deep when it comes to me. Feels like his soul was already connected to me that even though we only knew each other for a few months before and we just got back together now, he memorized every bit of my soul and emotion.

Ano bang ginawa ko para ibigay sa buhay ko ang isang kagaya ni Felip?

"I'm okay. Ikaw, nandyan ka lang ba sa condo?"

"Oo. Katatapos ko lang maligo."

I smiled. "I'll see you later, ha."

*****

Alas sais lang ay nakarating na ako sa condo ni Felip. Naligo na muna ako habang siya ay nagluluto ng hapunan namin. Nang kumakain na kami sa hapag, hindi ko naiwasang magtanong dahil kanina pa talaga ito gumugulo sa isipan ko.

"Ken . . ."

"Hmm?"

Tinimbang ko muna ang mood niya. Mukhang ayos naman na siya at kalmado na mula sa pagtatalo nila ni Pablo kahapon.

"Kumusta pala kayo ng mga kagrupo mo? Hindi ko naitatanong magmula nang maging tayo. 'Tsaka hindi ka rin kasi masyadong . . . nagkukuwento sa kanila?"

Tinitigan niya ako nang matagal bago siya uminom ng tubig. He chuckled.

Just How I Like ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon