Chapter 20

260 31 12
                                    


FELIP

Kasalukuyan akong kumakain ng almusal nang mag-ring ang cellphone ko para sa video call ni Justin. Sumimsim muna ako sa kape ko bago ito sinagot. Bumungad sa akin ang mukha niya at ang mukha ng itim na pusa kong si Kuro.

"Good morning, Dada Ken!" Justin greeted in a tiny voice for Kuro.

I half smiled when he waved Kuro's hand in front of the screen. Bigla ko tuloy na-miss si Kuro. Minsan inuuwi ko siya rito sa condo ko kapag ilang araw akong nakapahinga at hindi umaalis. Doon na kasi siya madalas nakatira kina Justin dahil madami sila roon sa bahay nila. Maraming puwedeng magbantay kay Kuro kapag wala si Justin. E ako, mag-isa lang ako rito sa condo. Sa hectic ng schedule ko, wala ako araw-araw sa condo kaya walang magbabantay at magpapakain kay Kuro.

"Good morning, Kuro!" bati ko pabalik. "Kumain na ba 'yan?" tanong ko naman kay Justin.

"Katatapos lang."

Tumango ako at muling nagpatuloy sa pagkain ng almusal. Pinanood lang ako ni Justin.

"Anong oras ka pupunta sa 1Z? 'Di ba ngayon 'yung meeting n'yo doon sa pagpapagawaan natin ng tote bag merch?"

Tumango ako. "Mga ten siguro nandoon na 'ko. Pagkatapos ko kumain, maliligo na 'ko 'tapos alis na."

"Puwede ba ako sumama sa meeting?"

Muli akong uminom sa kape ko at tinitigan siya. "Bakit?"

"Wala lang. Makikitambay. Wala akong ibang gagawin ngayong araw e."

I just shrugged. "Bahala ka."

He smiled and hugged Kuro.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na rin ako kay Jah sa video call. Nagligpit lang ako ng mga pinagkainan ko, pagkatapos ay saka ako naligo. I just wore one of my favorite casual jeans and a white muscle shirt. Napatingin ako sa orasan at nakitang 9:30 na ng umaga. 10:30 naman naka-schedule 'yung meeting kaya sakto lang ako makakarating sa 1Z building.

Hindi ko pa alam kung saan nakahanap 'yung marketing team ng gagawa sa tote bag merch namin para sa fanmeet. Mamaya ko pa lang malalaman. Sana maayos 'yung quality nila at sana magaling 'yung gagawa.

Bago ako umalis ng unit ko ay nagsuot ako ng itim na cap ko. I immediately headed towards the parking lot and fished out my key fob from my pocket. My silver grey Lexus RX instantly flashed and made a sound.

Walang traffic kaya wala pang 10:30 ay nakarating na ako sa 1Z building. Nakakuwentuhan ko pa ang iilang staff na nakasalubong ko bago ako tuluyang nakarating sa conference room. Nandoon na si Ate Bea at Xi-Anne pati na ang iilang staff ng marketing team.

"Good morning, Sir Ken!"

"Hi, Ken!"

Tumango ako sa mga bati nila at agad dumiretso kay Ate Bea. Abalang-abala sila ni Xi-Anne sa tinitingnan sa cellphone. Parang mga gulat na gulat at natataranta na hindi maintindihan.

"Hala siya nga!" ani Xi-Anne kay Ate Bea habang hindi nawawaglit ang tingin nila sa cellphone.

"Ayan pala full name niya, e hindi naman natin alam! Naku, pa'no ba 'to."

"'Te Bea, nasa'n 'yung details ng merch partner natin?" tanong ko.

Pareho silang nagulat ni Xi-Anne at halos mabitawan ang cellphone sa kagustuhang itago ito mula sa akin. Kumunot ang noo ko at nawi-weirdohan silang pinagmasdan. Anong nangyayari sa dalawang 'to?

"Ano 'yan?" turo ko sa cellphone na hindi nila maipakita sa akin ang screen.

"W-wala!" sagot ni Xi-Anne na mukhang kinakabahan.

Just How I Like ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon