Prologue

1.1K 33 0
                                    

Achlys POV

"good morning ma'am" iyan ang naririnig ko sa mga maids na dinadaanan ko habang nakayuko sila, dapat lang para malaman nila kung sino ang taong na sa harapan nila.

Napagising ako ng maaga dahil sa walang kwentang tawag ng aking secretary. May nawawala daw na 200 million sa aking kompanya. Wala naman akong pake kahit billion pa ang mawawala.. who cares? I am not that short of money. Akala mo naman kung babagsak na ang kompanya ko. Well, marami talagang nagbabalak na pabagsakin ang kompanya na meron ako. Ayaw kasi nilang may mas umaangat sa kanila kaya ganoon na lamang ang kanilang gigil para pabagsakin ako.

Pumasok na ako sa sasakyan ko, tumingin muna ako sa salamin.. f*ck Achlys you're so beautiful as always. Anyway, let's go baka makaihi na ng tulayan ang aking secretary sa kaba.

kringgg kringgg

My phone rung kaya kinuha ko ito at nag-drive na .

"what?" malamig kung sabi rito na kahit hindi ko kita eh alam kong napalunok siya ng ilang beses dahil sa lamig ng boses ko.

"ma-ma'am na saan na po kayo, andito na po sila" kabang sabi niya sa akin, ang tinutukoy niyang sila ay ang board members ng kompanya ko na wala naman ambag sa buhay ko. Kung hindi ko lang talaga sila kailangan baka kinitil ko na mga buhay nila. Maghintay sila para naman may maitulong sila kahit slight lang. Mga wala naman silang kuwenta.

"k" at binabaan ko ang tawag sa secretary ko. Ewan ko ba doon bakit takot na takot sa akin iyon kahit sampung taon na siyang sekretarya ko. Napatingin ulit ako sa salamin kung may Mali ba sa mukha ko. Wala naman ah, ang nakikita ko ay isang perpektong babae nakakatakot kung tumingin at malamig ang mga mata nito. Tss..

Pinabilis ko na ang takbo ng kotse ko baka wala akong maabutan doon. Okay lang para, hindi ko makita pagmumukha nila.

Aapakan ko na sana ang preno dahil may dumaang hayop na hindi ko alam kung ano but to my surprise hindi gumagana ang preno ko. Sh*t.. pinakondisyon ko naman ito ah bago ako umalis.. tang*na..

"ito na ba ang katapusan ko?" malamig na turan ko sa aking sarili habang nagiisip kung paano patigilin ang pesteng yawang kotseng ito.

"wala pa ako asawa...ahhhhhh" bago tuluyang nagpagulong gulong ang sasakyan ko sa gitna ng highway. I am just 25 year old tapos ganito lang mangyayari sa akin. I can't believe this is happening to me and everything went black

Extra Character in a Novel Where stories live. Discover now