46: EMOPHILIA

3.3K 96 72
                                    

'Emophilia refers to a tendency to fall deeply in love quickly, easily, and frequently. People with emophilia have a distinct connection between their feelings of attraction and individuals with prominent dark personality traits.'

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

ELOISA MARIE POINT OF VIEW

Sabi nila, kung mahal mo ay dapat mong ipaglaban.

Ang tanong, paano ko ipaglalaban kung sa una palang ay talo na?

Kung pagmamahal lang rin, hindi ako takot na mahalin siya. Ngunit, kung ang pag-uusapan ay paninindigan, takot ako.

"Babe, gusto mo bang iuwi kita sa amin pagkatapos ng camp event? Gusto kang makilala ni mama" Saad ni Jericho habang tinitimpla and 3 in 1 na instant coffee.

Good guy si Jericho. He's caring, gwapo, matalino, mabait, at may takot sa Diyos. They said, complete package na siya pero for some reasons, parang may kulang.

"Huwag muna, nahihiya pa ako" Sagot ko habang nakatingin sa mga kaibigan kong naghahanda ng breakfast sa lilim ng manga. 

Busy si Jessica at Athena na mag-ayos ng gagamiting utensils habang sina Chase at Saint ay nagbubuhat ng mga gamit at pagkain na galing sa bahay kubo. Wala pa si Clio, hindi siya natulog sa bahay kubo namin kagabi.

Masasabi kong ang ganda ng composition ng friendships namin. May kanya kanyang ugali, pero kahit pa ganoon ay nagkaka-intindihan kami.

Si Chase ang pinakama-ingay sa amin, pero usually siya ang nakaka-attract ng bagong kaibigan sa group namin. Siya ang unang kong nakilala noong first year college, kung hindi siya nanghiram sa akin ng ballpen ay baka hindi ko sila kaibigan ngayon. Kahit pa maingay siya, loyal siyang kaibigan, at actually kaya niyang makipag-suntukan o makipag-away sa kahit sino man kung kakailanganin.

Si Saint, isang dakilang babaero. Hindi ko alam kung bakit kung sino ang santo ang pangalan ay siya pa ang pinakamalandi. Hindi siya cheater, palagi lang nagpapalit ng girlfriend na parang nagpapalit ng brief, mas tahimik siya kaysa kay Chase, mas matalino rin siya at mas maresponsibilidad.

Si Jessica... Hmmm. Dark ang humor niya, minsan nakakainis ang pagiging masungit niya at lagi siyang kill joy pero one thing is for sure, alam niyang makibagay at actually siya ang dahilan kung bakit maayos lagi ang mga trips at lakad naming magkakapatid. Bago dumating si Athena at Clio, si Jessica ang ultimate treasurer ng grupo, tipong aabot ng buong araw ang 300 pesos na budget namin na hindi nagugutom.

Si Athena naman, sobrang kakaiba siya. Para siyang Saint at Clio mixed together. Lagi siyang nakatawa, palaging nakangiti, parang walang problem at higit sa lahat at lakas ng saltik sa utak, pareho sila ni Chase kung magbiro, minsan hindi nakakatawa, minsan hindi namin ma-gets at ang bibilis ng utak nila kung kalokohan ang iisipin. Pero, hindi gaya ni Chase, actually ay may sense kausap si Athena. Ang gaan niya kausap, hindi siya nang-ja-judge at higit sa lahat kaya niyang magbigay ng payo na talagang effective.

Inilibot ko ang aking mata at nakitang bumukas ang pintuan sa private kubo ni Professor Argente. Hindi mawala ang mata ko doon dahil alam kong nandoon rin si Clio.

Unang lumabas si Clio na nakasuot ng long sleeves linen top, linen pants at pinaresan niya ito ng sandals. Tumayo siya ng maikling segundo sa harap ng pintuan saka inilahad ang kamay niya, tinanggap naman ito ng kamay na nagmula sa loob ng bahay kubo, dahan dahan ay hinatak ni Clio ang kamay hanggang sa tuluyan ng makalabas si Professor Argente.

Nakasuot din siya ng long sleeves pero hindi naka-open ang mga butones niya. Hindi ba siya naiinitan? Pero sabagay linen long sleeves naman, pero kahit na, ang weird ng linen long sleeves na naka butones. Siguro hindi lang ako sanay.

The Epitome of Algedonic LoveWhere stories live. Discover now