39: PSEUDONORMALITY

2.9K 99 108
                                    

'In psychology, the term "pseudonormality," sometimes referred to as the "mask of sanity," refers to the outward display of normalcy or conventional conduct that certain people with underlying mental health illnesses or personality disorders may put on for others. These people might pretend to be acting normally, but in reality, they might be hiding their actual thoughts, sentiments, and emotions.'

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

CHASE JOSEPH POINT OF VIEW♬

Nakapag-kape naman ako, pero bakit parang mas lalo akong inaantok? Hindi ba dapat pampagising ang kape?!

Naglalakad kami ngayon sa tabi ng kanal, kanal na pwedeng pagliguan. Angas! Sa amin kasi kapag naligo ka sa kanal instant leptospirosis agad e, pero dito ang linas ng tubig. Nahiya naman ang kanal sa kamaynilahan.

Nauna ako sa paglalakad, ako lang yata ang may gana o sadyang ako lang ang excited?

Tumingin ako sa likod ko, si Saint at Jess ang nakasunod sa akin. Gusto ko sanang asarin si Saint dahil ang porma niyang mangapitbahay. Naka-cargo pants at Nike F1 black, ang ikinatawa ko ay nag short sleeves polo siya. Hindi naman mainit, malilim nga pero ang init tignan ng suot niya at bakit pa siya nagsapatos? Iba talaga kapag babaero, kahit saan dapat pogi tignan.

Sa kabilang banda naman, normal lang tignan si Jessica, tomboy style manamit at may pagkabrusko maglakad, lakad lalaki na nga eh. Wala ng bago sa suot niya, simplent khaki shorts at oversized na tshirt, 'di gaya ni Saint, naka tsinelas siya.

Kung pabonggahan lang naman ang pag-uusapan, kuhang kuha na ni Athena ang titulo. Sino ba namang tatalo sa suot niya? Naka-floral dress na ang pattern ay blue flowers and white, hindi ko rin alam kung anong tawag sa suot niyang tsinelas pero parang gawa sa kahoy, may lace yun. Pero ang puti ng paa niya ah, ilang minuto palang kaming naglalakad namumula na ang paa niya, sabagay ganoon siguro kung maputi.

Taliwas ng suot ni Clio sa suot ni Athena, kung hindi ko alam kung sino si Clio, malamang ang iisipin ko ay simple lang siyang foreigner na na-broke sa Pinas kaya hindi makauwi. Nakasuot lang siya ng plain na crean sweat shorts na pinaresan niya ng dark gray na tshirt, naka tsinelas din siya, nagulat lang ako dahil normal lang ang brand na suot niya, Islander.

Mukhang... Mukhang ako lang ang walang problema. Si Saint, nakatingin sa malayo, prino-problema niya 'yong event mamaya, wala pa kasing participant. Si Jess naman, aba'y napakadakilang denial 'yan, hindi raw nagseselos pero kung mag-moodswings akala mo nasa menopausal stage na. Hindi pa kasi amining gusto parin niya si Eloi, halata naman. Ang sarap niya tuloy asarin.

Sa aming magkakaibigan, si Athena ang pinaka unbothered. Noong una akala ko talaga closed lang si Athena at Clio hanggang sa naitanong ko kay Jess at Saint kung bakit napapadalas ang pagsasama nila, parang kailan lang kasi ay nagkaka-iwasan sila tapos bigla nalang sinabi na gusto pala ni Athena si Clio. Ewan ko, siguro ganoon nga. Hindi naman kasi ako ma-alam sa pag-ibig.

So, ayun nga. Si Athena ang pinaka-unbothered. Hindi ko siya ma-gets, siguro nga dahil bobo talaga ako.

Nahuhuli ko minsan siyang nakatitig lang sa amin, hindi ko siya tinatanong kung bakit siya nakatitig dahil ang akala ko nagagandahan at nagwa-gwapuhan lang siya sa amin.

Minsan rin, tatawa nalang siya bigla kahit wala naman kaming nakakatawang sinabi, pero karaniwang ako ang lagi niyang tinatawanan. Siraulo na yata dahil hindi siya gusto ng gusto niya. Joke lang naman. Mabait si Athena, sobrang bait kasi pinapa-kopya niya ako sa mga exams hindi gaya ng isa na matalino nga pero hindi naman nagbibigay ng answers. Masyadong mataas and sense of justice ni Clio.

The Epitome of Algedonic LoveWhere stories live. Discover now