24: SAGE

3.7K 144 92
                                    

'Sage refer to a wise person, someone who is respected for their profound wisdom and good judgement. As an adjective, it means having or displaying wisdom and good judgement.'

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

CLÍODHNA EISDRACHEN POINT OF VIEW

"Matulog ka na muna, babantayan ka namin" masuyong saad ni Eloisa kay Saint. Nasa infirmary kami at umabot ng 38.6 degrees celsius ang init ni Saint.

"May klase pa tayo, baka magalit si Prof. Argente" Sagot naman ni Saint.

"Don't worry. Excused tayo. I already talked to her" Saad ko naman, naka cross ang kamay ko sa aking dibdib. Nakapalibot kaming lima sa pagilid ng bed ni Saint.

"Iba talaga kapag girlfriend e no?" Nakangising nang-aasar si Chase. Tinignan ko na lamang siya sabay iling dahil sanay na ako sa biro nilang mga ganito.

"Pero Saint, paano iyong University Math Wizard niyo bukas? Malaking event pa naman 'yon" Sabat naman ni Jessica.

She's not being insensitive pero reputasyon rin kasi ng department ang pinag-uusapan dito kaya nag-aalala ang lahat. Big deal pa naman ito sa school dahil kung sino man ang magchampion na students sa event na 'to ay malaki ang magiging kinabukasan nila.

"Pwede naman silang kumuha sa Economics Department?" Pag-sa-suggest ni Eloisa. Napatingin sila sa isa't isa at maya maya'y nag-ilingan.

"Hindi rin okay dahil walang practice si Athena at ng partner niya kung sakali, team event pa naman talaga ang University Wizard Event" pagrerebate ni Jessica sa sinabi ni Eloisa.

"Athena, kanina ka pa tahimik" Baling ni Chase kay Athena na nasa pinakasulok, sa harap ko. Nasa ulunan kami pareho ni Saint.

"Ah, wala. Kung wala mang mahanap, mag-isa nalang akong pupunta" Athena replied, her voice regaining its vigor as she spoke with Chase. I let out a sigh and felt the awkwardness in the air.

If Athena keeps acting like this, I might start to believe what Frigg said - that she likes me. But I don't want to assume anything without hearing it from her directly. It would just make me seem arrogant.

Walang nagsalita pagkatapos bigkasin ni Athena ang kanyang sagot. Nakatitig sa akin si Jessica, parang may kung anong iniisip, actually kanina pa niya kami inoobserbahan ni Athena, siguro ay napagtanto niyang may awkwardness.

Yumuko na lamang ako, malambot ang cusion ng kama ni Saint, kumubog agad ang braso ko nang ipatong ko rito. Huminga ako ng malalim at gusto ko na lamang na tuluyang magpahinga o kaya'y matulog.

Ang daling maubos ng energy ko kapag malayo ako kay Hera. Kung hindi lang nilalagnat si Saint, malamang at nasa office na ako ni Hera.

I lifted my head again, but nobody was speaking. I looked up at the ceiling to check the wall clock. It was 10:17 a.m. Hera was probably still teaching. I let out another sigh.

I needed to breathe some fresh air. I couldn't handle the tension in the room anymore. I stood up, surprising everyone.

"I'm going to the cafeteria. Do you want me to buy something for you guys?" I asked, putting one of my hands in my pocket to hide me fidgeting with my fingers.

The Epitome of Algedonic LoveWhere stories live. Discover now