2: JUAN PUSONG

6.1K 194 102
                                    

'JUAN PUSONG, a trickster character, is depicted in various Philippine tales as a peasant male with a wit sharper than a Bolo knife. His adventures often involve avoiding danger, showcasing his unorthodox cleverness and wit. Tricksters who, beneath their humorous stories and blunders, conceal some truths and wisdom.'

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

»»---- 11 Years Ago ----««

HERA AVERY POINT OF VIEW

Summer, kalagitnaan nang buwan ng Marso.

Homecoming ng pamilyang Palermo. Isa itong malaking event sa Pilipinas dahil ito ang unang pagkakataon na ipapakilala sa Company branches ang dalawang anak ni Tito Winter, ayon kay Dad ay si Knight at...I forgot her name, basta siya ang pangalawang anak ni Tito Winter.

Una at huling kita ko sa kanya ay noong 3 years old ako at halos wala na akong maalala, ano kayang hitsura niya? Magkamukha kaya sila ni Knight?

"Malaki na ngayon ang panganay niya, ilang taon ulit? 14?"

"Si Knight?"

"Oo, mag-aaral daw sa Alejandro-Palermo University (APU) ngayon pasukan e"

"Sakto, mag-aaral din doon ang anak kong babae baka maging makaklase sila"

I've already seen Knight, noong bata pa kasi ako ay lagi kaming dinadala ni Daddy kapag aalis siya ng bansa kasama si Tito Winter. Nakakatawa lamang dahil mahigit 10 years ko na siyang nasisilayan at gusto pero hindi man lang niya alam na nag-eexist ako.

He's 14 now kagaya ko, mas matanda nga lang siya ng buwan. Napakaseryoso niyang tao, tuwing makikita ko siya ay lagi siyang may ginagawa. Sabi pa nga ni Dad, matalino nga si Knight pero hindi naman marunong makihalubilo sa mga batang kaedaran niya. Iyon din ang dahilan kung bakit ayaw akong ipakilala ni Daddy.

"Avery, dito ka muna kay mommy okay? Kakausapin ko lang ang mga bisita"

Pagkapaalam ni Daddy ay agad kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Ang daming mga tao, kilala ko ang ilan dahil nakikita ko silang kasama nina daddy at Tito Winter minsan.

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Tito Ashton. Agad akong kumaway at isinigaw ang kanyang pangalan. Agad rin niya akong napansin kung kaya'y lumapit siya sa amin.

"Ate Coleen, kamusta?" Yumakap siya kay mommy habang ako ay nakanood lang sa kanila. Pagkatapos ng kanilang yakapan ay bumaling naman sa akin si Tito Ashton.

"Oh Avery, ang laki mo na ah" Saad niya sa akin, akmang bubuhatin ako pero agad akong umiling. 14 na ako, hindi na ako bata.

"Hindi niyo pa ba pinapauwi si Athena?" Biglaang tanong ni Tito Ashton na siyang dahilan ng paglamya ng mata ni Mommy.

"Hindi pa pwede e, sakitin din kasi kaya hindi namin mataim na patirahin siya dito sa Pilipinas"

Napabuntong hininga ako, ako man din ay nag-aalala para sa kapatid ko. 3 years ang agwat namin, hindi ko siya kasamang lumaki dahil sa condisyon niya. Immunodeficiency, ang dahilan kung bakit siya nanghihina.

According to what I've heard from Tito Winter, maraming pwede mangyari kung hindi naka-monitor si Athena, hindi rin daw ganoon kagandahan ang pasilidad dito sa Pilipinas, minsan pa nga raw ay hindi competitive enough ang ilang doctor.

Nakakagaan lang ng loob dahil napaka-heart warming ang pamilyang kinalakihan ko at ng mga nakapaligid. Sabi ni Dad, dahil daw ito kay Tito Winter.

Noong una ay hangang hanga ako kay Tita Red, siya nga ang role model ko pero noong nalaman ko ang mga projects, achievements at ugaling totoo ni Tito Winter, doon na ako nagpalit ng bias.

The Epitome of Algedonic LoveWhere stories live. Discover now