KABANATA 11

216 12 6
                                    

“What's that?” Atlas asked Race.

Tinignan sandali ni Race si Atlas bago muli itong bumalik sa pagsusulat sa maliit maliit nitong notebook.

“What are you doing?” Tanong ulit ni Atlas at tumabi sa kaniya.

Umusog nang kaunti si Race. This past few days ay ayaw na niyang dumikit ang mga balat nilang dalawa dahil babalik na naman ang kakaiba niyang nararamdaman sa kaniyang katawan.

Kahit nga walang ginagawa si Atlas ay nandiyan pa rin 'yong strange feelings na katawan niya.

“Nothing,” he replied and closed his notebook.

“Ano 'yon? Confession mo ba 'yon para sa crush mo?” Nakataas kilay nitong tanong.

Umiling si Race, “no,” he said.

“Eh, bakit ka ngumingiti?”

“I'm not smiling—”

“Nakangiti ka, eh! Kanina nga nasa malayo pa lang ako ay nakangiti ka na riyan sa notebook mo.” Tumaas ang kilay ni Atlas at ngumuso. “Ano ba kasing sinulat mo at may pangiti-ngiti ka pa riyan?”

“I said, ‘it's nothing’.”

Umismid si Atlas. “Hindi ako naniniwala, pakiramdam ko talaga ay may tinatago ka sa best friend mo,”

Race rolled his eyes.

Hindi pa lang nakapagsalita si Race ay pinangunahan kaagad siya ni Atlas. “Huwag mong sabihin na itatanggi mo na naman ang pagkakaibigan natin?”

Imbis na umalma pa sa mga sinasabi ni Atlas ay tumahimik na lang si Race.

“Para kaninong confession ba 'yan? Bakit kailangang isulat? Para ma-memorize mo?” Sunod-sunod nitong tanong.

Inis na binalingan ni Race si Atlas. “It's not a confession, okay,”

Sumingkit ang mata ni Atlas. He didn't believed at what Race said. “Eh, bakit ka nakangiti?”

“It's not—”

“Sabihin mo na kasi na sa akin ka mag-co-confess! Alam kong gusto mo ako pero nahihiya ka lang!” Gulat na napatingin si Race kay Atlas na inakbayan siya. “Wala namang masamang magkagusto sa kapwa mo lalaki! Hindi rin naman kita masisisi kung magugustuhan mo ako kasi ang guwapo ko.”

The fuck.

Race is went silent and his jaw drop!

Dahil sa mga sinasabi ni Atlas ay halos hindi na niya maibuka ang bibig niya.

This man is unbelievable!

“Oh, wordless?” Atlas cocks his eyebrow. “Alam ko na 'yan, feel na feel ko na, eh. Huwag ka nang mahiya na mag confess sa akin kaya bilis basahin mo na kong ano 'yang—”

“Asshole!” Sinapak ni Race si Atlas gamit ang maliit nitong notebook. “It's not a confession, dickhead! It's my bucket list!”

Napangiwi si Atlas habang kinuha mula kay Race ang notebook nito at tsaka binasa ang nasa loob.

After awhile, Atlas asked, “Paris?" A pause. “You want to go in Paris?”

“Yeah, why?”

“Sama ako,”

Kumunot ang noo ni Race at kinuha kay Atlas ang notebook niya at binalik ito sa bag.

“I want to go alone.”

“Sasama ako, hindi naghihiwalay ang mag best friend—”

Race throw Atlas a death glare. “Anong hindi? Nakakita ka na ba ng magkakaibigan na kapit na na kapit sa isa't isa na parang higad?”

EXCHANGE OF HEARTS [BL]Where stories live. Discover now