KABANATA 02

292 17 5
                                    


"What the hell did happened to you, Atlas?!" Sigaw kaagad ng ina niya ang sumalubong sa kaniya sa pagpasok niya ng bahay.



"Napaaway ako-"



"Palagi ka na lang napapaaway! Kahapon napaaway ka rin? Paano 'yong nakaraang araw?! Napaaway ka rin?"



"Hindi, pustahan 'yon, eh-"



"Oh, my god! Ang sakit mo sa ulo, Atlas!"



Sumipol na lang si Atlas at pumunta sa dining room at naabutan niya roon ang mga kapatid niya na nakikinig sa pagsesermon ng ina nila sa kaniya.



"Hey! Good evening, my dearest family!" Bati niya at paika-ikang lumapit sa lamesa.



Tumayo si Amber, ang nakakatanda nilang kapatid at tinulongan siyang maupo sa bakanteng puwesto niya.



"Sino na naman ang nakalaban mo ngayon?" Tanong nito.



"Boyfriend no'ng chix ko, ate,"



Nagsiirapan ang mga kapatid niya. Nothing's new. Ganito palagi umuuwi si Atlas, kung hindi nabubugbug ng mga boyfriend ng mga babaeng pinapatulan niya, nabubugbug naman siya ng mga babaeng iniiwan niya.



"Magtino ka nga, Atlas," sabi naman ng isa pa niyang ate, si Artemis.



"Si Kuya nga hindi matino, eh." Turo niya sa kuya niyang tinatawanan lang siya.



Pabiro naman siyang sinuntok ng kuya niya sa balikat. Ngumiwi siya dahil natamaan ang pasa niya.



"Gumaya ka kasi sa akin! Bakit ba kasi nagpakita ka ro'n sa boyfriend ng chix mo? Dumiretso na sana kayo sa hotel-"



"Kuya!" Sabay na suway ng dalawa niyang ate.



"What? Totoo naman 'yon, ah!"



Umiling na lang si Atlas.



"Who brought you to the hospital, Atlas?" Pumasok ang ina niya sa dining room.



"Hindi ko kilala, tinulongan lang niya ako."



"Who? Babae?" Nagtaas baba ang kilay ng kuya niya.



"Nope. It's a guy, napadaan lang doon sa club."



Ngumuso siya nang maalala si Race. Sa isip niya ay napakasungit ni Race, ang lamig din nito kung magsalita. Tsaka magkaibang-magkaiba silang dalawa, pero hindi naniniwala si Atlas sa sinabi nitong hindi ito nagpaparty.



People loves to party! Loves hot sex!



"Ang bait naman niya para tulongan ka niya," nakataas kilay na sabi ni Amber. "What's his name? Taga saan ba 'yan? Guwapo? Mayaman-"



"Ate, hindi ka no'n magugustuhan. Matino 'yon tapos malandi ka." Walang preno niyang sinabi.



Tumilapon kaagad sa kaniyang mukha ang tsinelas nito.



"What the?! Why did you do that?!" He shouted.



"Sinong malandi?" Hamon ng ate Amber niya.



Ngumuso na lang siya at kumuha ng tinapay bago tumayo at paika-ikang lumabas sa dining room.



Umakyat siya sa hagdanan at pinilit ang sarili na maglakad kahit masakit ang kaniyang katawan. Mabuti na lang ay ang ibang sugat at pasa niya ay nagamot na kanina ni Nurse Cha.



Pagdating sa kaniyang kuwarto a nahiga kaagad siya. He checked his phone. Eleven fifteen na ng gabi.



"People love parties," bulong niya sa kaniyang sarili matapos maalala ang sinabi ni Race sa kaniya. Tumayo siya at dumiretso sa banyo para maligo. "I don't believe him that he doesn't like to party. People loves that!"

EXCHANGE OF HEARTS [BL]Where stories live. Discover now