Galit ako!

160 15 23
                                    

Alam ko masama ang ganitong uri ng damdamin,
puot sa puso di makakabuti sa akin.
Pero kahit 'di ko gusto,
di mapigilang bumukal galit sa puso ko.

Galit ako sa inyong mga lalake,
bwesit kayo! feeling inosente.
Sarap n'yong pakain sa serpiyente,
kung pwede lang isasabit ko kayo sa alambre.

Mga walang kwenta!
Hilig mang-akit magpaasa,
laging gusto babae mai-kama,
Hindi naman alam kung paano maging ama.

Kapag ako naging pangulo, humanda kayo
magpapatupad ako ng batas;
ipapatutol ko ang inyon ano.
Bilang parusa sa kaduwag nyo,
'di kasi kayo marunong humarap sa responsibilidad.

Wala talaga kayong kwenta,
dahil sa inyo di ko na-enjoy pagkadalaga.
Responsibilidad na kayo ang dapat pumapasan,
Ako ang naatangan. Peste lang!

Gusto ko talaga kayong paslangin.
Patawarin ako ng Diyos...
'Pag nakita ko kayo itutulak ko kayo sa bangin,
O itatarak ko sa puso n'yo ang patalim.

Ilang dalaga pa ba ang magiging disgrasyada?
Ilang pangarap pa ba ang masisira?
Ilang magulang pa ba ang luluha?
Ilang bata pa ba ang magdurusa, magiging ulila?

Hindi ba talaga kayo marunong madala?
Kailan kayo kikilos?
Kailan kayo magiging tao?
Ugali nyo kasi parang aso diyan sa kanto.
Sana naman matauhan na kayo.
Mga gago!

Haha..patawad sa mga salitang aking isinulat(ginamit).Patawad kong ako'y naging bias.

A L O N EWhere stories live. Discover now