#postTulaChallenge

137 14 10
                                    

Tagged by: misuMei
Title : Bulaklak

I.
Iba't ibang uri ng mga bulaklak
sa isang harden matatagpuan.
Isang mapagpalang kamay;
ang doon ay may kapangyarihang
pitasin alin man ang kanyang maibigan.

II.
Bawat bulaklak nagtataglay iba't ibang katangian;
may payak at matingkad ang kulay,
may samyong kahali-halina at kakaiba,
ngunit para sa kanya lahat pantay ang halaga.

III.
Minsan tagapangalaga hinahayaang bulaklak mainitan,
dumanas ng bagyong may kalakasan;
bugbugin ng hangin at ulan,
ngunit ito'y di nangangahulugan kanya nang pinabayaan.

IV.
Lahat ng bulaklak binigyan ng dangal,
pinagkalooban ng katangian upang itanghal,
pinapahalagahan at minahal
ng tagapaglikhang labis na marangal.

______________________________________

#postTulachallenge
pauso po ni Ms. mesumei..haha
ito na po ang aking tugon ^_^
dahil ito po ay isang hamon at ako ay nakatugon na,ngayon na po ang panahon upang ako ay magbunyi..haha at hamunin ang iba.

Tagging:
key_board - ice cream
TAGA-ILOG09 - chocolate
abby_805- cake
ang sweet ko po no?(bawal kc sa akin mga pagkain na 'yan) xD

Panuto:
1. ang tatlong pangalan naka-tagged
ay gagawa ng tula na batay o gamit ang pamagat na aking ibinigay.
2.pagkatapos nyang gumawa,siya naman ang may karapatang i-challenge ang tatlo niyang kaibigan.
3.bawal daw po ang kj.

(Bb. misumei pinaikli ko na lang yong panuto.tama ba?? ito lang natandaan ko haha.)
salamat ^_^

A L O N EWhere stories live. Discover now