Pasasalamat

164 15 14
                                    

Pinasok ko ang mundo ng wattpad na mayroon isang layunin. Nais kong maging isang mabuting halimbawa sa aking kapwa, magbigay ng pag-asa,magpadama ng pang-unawa at pagkalinga,magbahagi ng kaalaman at ipadama ang pagmamahal. Ngunit ako ay nabigo,wala pala akong lakas at sapat na kakayahan o kaalaman upang gawin ang mga bagay na iyon. Sa paghakbang sa mundo ng wattpad,hindi ko inaakala na kabaliktaran ng aking nais ang aking naibahagi.

Kayrami ng taong nasaktan,nahirapan,nagdusa,naloko,nangulila,iniwan,pinaglaruan dahil doon  tinalaga nila(ko) ang sarili bilang biktima. (Sinulat ko ang "alone" sapagkat alam kong maraming makakarelate ^_^.)

Gumawa ng mga tula tungkol sa kalungkutan,hinagpis at kasawi. Kinulong ko ang aking sarili sa negatibong damdamin upang makabuo ng tula na aakma sa pamagat na Alone. (ngunit noong huli hindi ko na napangatawanan hehe)

_______________________________________
Nandirito tayo sa mundo bilang isang indibidual na may layunin na magmahal at mahalin. Tanggapin  man natin o hindi, bawat isa sa atin ay nagnanais na mahalin,alagaan at kalingain. Hindi tayo nabubuhay na mag-isa lamang kailangan natin ang bawat isa. Bunga nito madalas tayong nauuwi sa pangungulila,kalungkutan at palagi nating nararamdaman ang pag-iisa.
Ngunit nag-iisa nga ba tayong talaga?
Wala ba talaga sa ating nagpapahalaga? Nagmamahal?
-ang Diyos; ang ating pamilya; ang ating kapwa; ang ating kaibigan; hindi ba nandiyan sila upang magpadama ng pag-unawa at pagmamahal. Marahil hindi sa lahat ng pagkakataon,ngunit sapat na ba ang ilan nilang pagkakamali upang kalimutan natin ang nga masasayang sandali o ang kanilang pag-ibig?
_______________________________________
Ang dami kong sinabi isa lang naman ang dahilan kung bakit ko sinulat ito.haha..
Nais ko lang magpasalamat sa inyong lahat. Salamat sa pagbabasa,pagvote at pagcomment. Salamat sa paglalaan ng oras upang bigyang tanaw ang aking likha. Dahil sa inyo hindi nawala sa Whot's hot top 20 ang AlonE at palagi lang siyang naglalaro sa 3-8 spot. Nag #1 din sya ng ilang ulit, akalain nyo un hindi naman ako ganoon kahusay pero dahil sa inyong kabaitan at awa nangyari ang mga bagay na ito..hahaha.

Salamat talaga sa inyong lahat!
Salamat sa pagkakaibigang nabuo dito sa wattpat, salamat sa masasayang sandali ng pagpapalitan ng kuro kuro at damdamin sa pamamagitan ng pagsulat. Salamat sa mga kaalamang natutuhan ko mula sa inyo, salamat dahil naging parte kayo ng buhay ko. Masaya ako at nakilala ko kayong lahat. Dalangin ko na nawa palagi kayong pagpalain at gabayan ng butihing Diyos. Nawa palagi kayong maging ligtas mula sa ano mang panganib(lalo na sa physical at spiritual na aspeto) Hiling ko rin na sana mas lumago pa ang inyong kaalaman at talento sa pagsulat.
Salamat  magigiting na Ginoo at nagagandahang Binibini! Hangang sa muli. ^_^

(last update ko na po ito ng Alone)
Salamat ulit ^_^
God bless you All !!!

A L O N ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon