#posttulachallenge

89 12 3
                                    

Tagged by: MaritaClarita

Title: Damong Ligaw
Tema: Pag-ibig

Iba't ibang bulaklak sa iyong paligid,
samyo nila'y labis na kaakit-akit;
kahit sinong paruparo ay liligid-ligid
upang makamtan tamis ng pag-ibig.

Palagi kitang minamasdan,
nakatunghay ka sa kanilang kariktan
ngunit ni minsan di mo sinubukan
lumapit, o isa sa kanila ay halikan.

Ako ay patuloy lamang nakamasid
sa iyo at sa kagandahan ng daigdig.
Minsan aking naisip, kayrami sa aking pinagkait.
Ako ay isang lamang damong ligaw
di tulad nila, walang ganda at samyong nakakapawi ng lumbay.

Ngunit di ko inaasahan,
isang araw lumuhod ka at ako'y hinawakan.
Hinalikan mo buo kong katauhan,
pinadama sa akin pagpapahalagang walang kapantay
Nangakong ako'y iibigin hanggang sa hukay.
______________________________________

haha galing ko talaga..di ko akalain makakagawa ako ng ganito salamat kay Mr.blablabla..haha iloveyou! (di mo alam kung sino ka at hindi ko rin alam kung sino ka haha)

batang matalino ito na sana naman kahit papaano nabigyan ko ng hustisya ang title at temang ibinigay mo ^_^

A L O N ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon