Dangal(moral)

180 17 9
                                    

Kay lungkot kong ikaw ay mamasdan,
tila isa kang batang naliligaw.
Walang gabay,walang umaakay.
Asan ba ang iyong inay at itay?

Bakit larawang 'di kaaya aya iyong minamasdan.
Hindi mo ba alam,
kaluluwa mo'y mamatay sa gawaing iyan.

Isip mo ay pinuno ng larawan
pinanunuod umaga't gabi man.
Dagdagan ba nagbabasahing lumalason sa iyong isipan.
Hindi nakapagtataka
katawan mo iyong pinababayaan.

Kalinisan hindi mahalaga sa iyo,
panandaliang kasiyahan lamang hanap mo.
Ngunit nababatid ko  malungkot at nahihirapan kalooban mo.

Bakit mo ba hinahayaan gamitin ka ng kalaban.
Kaluluwa mo unti unti niyang nilulunod sa kasalanan.
Ang masakit nakatutuhanan.
Ikaw ay nagiging daluyan upang iba magumon din sa gayong katatayuan.

Ikaw ay nilikha ng Diyos
Minahal at binigyang dangal
huwag mong hayaang ikaw ay maging mababang uri.
Mamuhay ka na may timpi
ilaan ang dangal sa pag-ibig na minimithi.

Hindi mo ba alam
ginawa ka ng Diyos upang pahalagahan at mahalin.
Ngunit paano mo iyon mararanasan
kung ikaw mismo ang nagpapababa ng iyong katauhan.

AN.
May nabasa ako! Nakakalungkot lang. Sa mura kasi nyang edad nag susulat sya ng masasamang(malalaswang) babasahin at ang mambabasa nya ay mga kabataan din.
Hindi na pinapahalagahan ang sekswalidad.
Hindi na pinapahalagahan ang moral. :-(

Paki-usap sa kapwa ko kabataan itigil nyo ang pagbabasa at magsulat ng gayong uri ng babasahin. Gamitin mo ang karunungan at talintong ibinigay sayo ng Diyos sa ikabubuti mo at ng iyong kapwa..
Nawa iyong maunawaan ako ay nagmamalasakit lamang! :-)
Salamat!! ^_^

A L O N EWhere stories live. Discover now