Alone III

458 24 11
                                    

Nakatitig sa kawalan
kasama tanging anino lamang,
pilit winawaksi sa isipan
ang sakit na nararamdaman.

Ngunit ano man ang gawin
supilin man ng supilin
nanatiling alipin ng sariling
damdamin.

Patuloy na nalulunod
sa dusang dinudulot
ng utak na masalimuot
na 'di magawang lumimot.

A L O N ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon