Post tula challenge(maralita)

119 14 7
                                    

Titulo: Maralita
Tagged by: BLINTZERO
06/01/15

Maralita siya daw iyong nasa bundok ng basura,
nagtitiis sa amoy na nakakasuka.
Bagay na sa iba walang halaga,
para sa kanya ay kayamanan na.

Maralita siya daw iyong nasa bukid,
pawis ay dumadaloy walang patid.
Naghahasik kahit panahon'y di batid,
nagsusumikap hanggang sa hininga ay mapatid.

Maralita siya daw iyong nasa pagawaan,
walang permaninting trabahong matagpuan,
kaya tinitiis ang kahirapan ng katawan at isipan
upang sikmura ay malamnan.

Maralita siya daw iyong nasa dagat.
Bumagyo man sinusugod tubig alat
para may kainin pamilyang salat,
na nangangarap makaahon sa hirap.

Maralita tamad daw sila sabi ng iba.
Wala daw ginawa kundi
mag reklamo sa uri ng buhay nila,
hindi daw kumilos upang maiba kalalagayang kanilang tinatamasa.

Tanong ko lang sila ba talaga ang maysala?

Mundo ay isang paraiso,
May sapat ang yaman para sa bawat tao.
Ngunit sa kasawiaang palad kayrami ng loko,
mga ganid,sarili ang santo,
walang ginawa kundi mang abuso.

Bulok ng sitema sa negosyo at gobyerno,
mga mahihirap laging inabuso;
Makasariling layunin ang laging inaasikaso,
walang pakialam kahit iba ay maagrabiyado.

Ngunit batid ko ang tunay na maralita,
Hindi sila iyong basurero,magsasaka,mandaragat at manggagawa.
Kundi sila iyong mga taong walang awa sa kapwa.
Walang pag-ibig sa puso
-sila ang tunay na maralita.

hope you like it ^_^

A L O N EWhere stories live. Discover now