tula ng makasalanan:'(

378 23 11
                                    

Naalala ko nag una kitang makilala,
puso ko ay napuno ng saya.
Nawala lahat ng pangamba,
pakiramdam ko ako'y nasa langit na.

Di ko inaasahan na sa paglipas ng panahon,
pag-ibig ko sayo ay mapaparam.
Ikaw ay aking makakalimutan.

Alam kung labis mo akong mahal.
Ngunit patawad sapagkat iyo'y
'di ko maramdaman.
Alam ko ako ang may kasalan,
nasa akin ang pagkukulang.

Ang puso ko ngayon balot ng pangamba,
Buhay ko di ko alam kung magtatagal pa.
Ngunit ano mang pilit di ko magawa,
lahat ng pangako ko ay tila bula
naglaho bigla bigla.

Nais ko ng magbalik, ngunit sa kalungkutan ako'y nakaangkla.
Tulungan mo ako!
Ako'y lampang lampa.
Nagsusumamo sa iyo sana'y dingin mo na.

Diyos ko naririnig mo ba?
panalangin ng lingkod mong aba.
Ako ba'y mapapatawad mo pa?

A L O N ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon