Ginoo

122 15 6
                                    

Paumanhin sa aking nawika,
kung nasaktan ka man, hingi ko ay pang-unawa.
Marahil hindi naging tama paggamit ko ng salita
o ako ay lumabis sa aking naunang tula.

Ang layunin ko ay hindi upang ikaw ay husgahan,
pagbuntungan ng galit o kamuhian,
pagbintangan sa sala ng ibang kalalakihan.
Ang nais ko lang naman iba ay matauhan sa ginawa nilang kalokohan.

Sa saglit na oras na tayo ay nagkakilala,
estranghero man sa isa't isa
ngunit ipinakita mong ikaw ay iba,
may paninindigan at hindi mapagsamantala.

Ikaw ay labis kung hinahangaan
sa kabutihan ng iyong kalooban,
sa prisipyong di matatawaran,
pagmamahal na may katapatan,
at sa pagpapahalaga sa kababaihan.

Mayroon pa rin nawang matatawag na totoong Ginoo;
mapagpigil at masasabing makatao,
marunong magmahal ng totoo.
Salamat sa iyo napagtanto ko ito.

Ngayon pinapanalangin kong ikaw palaging maging ligtas,
sa bawat sandali magkaroon ng lakas,
na tahakin ang tamang landas
hanggang sa wakas ng iyong oras.
_______________________________________

Para po sa lahat ng totoong Ginoo lalo't higit kay Mr.BLINTZERO   TAGA-ILOG09 mysterious_aries.

Paumanhin po at salamat ^_^

06/09/15
2:03pm

A L O N ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon