Hindi ka nag-iisa

115 13 5
                                    

Sa tuwing ikaw ay aking minamasdan,
mga mata mong  luhaan
nais kong punasan
sana ako'y iyong pahintulutan.

Sa tuwing ikaw ay nahihirapan
nais kitang bigyan ng kapahingahan.
Hiling ko sana ako'y  pagbigyan,
hayaan mong ika'y aking tulungan.

Sa tuwing hindi mo alam ang gagawin,
kaisipan mo nababalot ng dilim.
Hayaan mong liwanag ko'y magningning,
upang  mapawi sa isip mo ang lilim.

Sa tuwing problema sa buhay mo ay dumating,
huwag mo sanang isiping wala kang masasabihan ng hinaing.
Hindi ka nag-iisa,
nandirito ako upang tulungan ka.

Sa tuwing puso mo ay puno ng kapighatian,
gayon din ang aking nararamdaman.
Sa tuwing ikaw ay nasasaktan
puso ko rin ay nasusugatan.

Sa tuwi-tuwina nais kitang pasayahin.
Sa tuwi-tuwina ikaw ay aking mamahalin.
Sa tuwi-tuwina gusto kitang kausapin.
Sa tuwi tuwina nais kitang makapiling.

Mahal ko sana h'wang mong kalilimutan,
Sa bawat sandali ikaw ay nasa aking isipan.
Pagmamahal ko sayo ay magpakaylan man.
Nais kitang makapiling sa aking kaharian.

Palagi mong tandaan
Nandirito ako upang ikaw ay mahalin at alagaan.
At kaylan man hindi ako susuko,
kahit na ako ay iyong ipagtabuyan.

"Hindi ka nag-iisa, tandaan mo sana MINAMAHAL KITA..."

A L O N EWhere stories live. Discover now