Tagpo

116 16 7
                                    

Ako ay hinang hina,
sa pagod ako'y pakdang pakda.
'Asan ang iyong tulong?
'Asan ang iyong awa?

Sa kalaliman ng gabi,
diwa ko'y nanatiling gising.
Isip ko ay punong puno ng hinaing,
damdamin ko'y humahalinghing.

Kapayapaan di ko matagpuan
kalungkutan bumabalot sa aking katauhan.
Waring digmaan ay walang katapusan
Sa namamatay kong katawan.

Umihip ang hangin,
dumampi sa aking balat.
Waring binibigyang ginhawa
pagod kong katawan at ang aking ulirat.

Sinang ng buwan unti unti pumasok sa aking durungawan.
Binigyang liwanag madilim kong isipan.
Katahimikan ng gabi.  -binigyang kapayapaan ang puso kong nahihirapan.

Aking napagtanto,
kayraming oras na nasayang.
Bakit nga ba pilit kitang hinanap kung saan saan,
gayong ikaw ay nandirito lamang
sa aking harapan.

Sa bawat bagay
wala man o mayroong buhay
nilikha mo upang sa akin maging gabay.
Nagpapaalala pagmamahal Mo ay tunay.

A L O N EWhere stories live. Discover now