hiram

184 19 7
                                    

Ng ikaw ay dumating
hindi ko inaasahan,
lahat ng kinatatakutan ko
ay muling mararamdaman.

Alam mo ba sa pagngiti ko,
ikaw ang dahilan.
Sa mga pangarap ko,
ikaw ang laman.
Puso ko wari di na mapigilan,
minamahal na yata kita hirang.

Hindi ko na alam ang gagawin,
hahayaang bang ikaw ay patuloy mahalin.
Sa tuwing ikaw ay naiisip,
puso ko di mapigilan bumilis ang pagpintig.

Ikaw palagi naglalaro sa aking isipan;
gusto na nga kitang layuan
sapagkat ayaw kong mahulog ng tuluyan.
Dahil sa simula pa man alam kong ang lahat ng ito'y hiram lamang.

A L O N EWhere stories live. Discover now