Nanghihinayang

275 22 11
                                    

Ngayon ko napatunayan,
ako talaga ay may katangahan;
Sa limang taong ating pinagsamahan,
bakit nga ba d kita pinahalagahan.

Palagi mo akong inaalagaan
inuunawa sa aking mga kalukuhan;
Dinadamayan sa kalungkutan,
kaylan man di ka nagsawang ako'y paglingkuran.

Ngunit isang araw sinabi mong
"mahal mo ako" ng higit sa kaibigan;
dahil doon nagalit ako sayo,
ikaw ay aking nilayuan.

Sinabi ko d ba alam mo naman hindi ako naniniwala sa pag-ibig na yan.
Ngunit ikaw ay nag pumilit
Sinabi patutunayan mo
totoo ang iyong pag-ibig.

Ilan taon din ang lumipas
ngunit 'di ako natinag;
tugon ko'y pag-ibig ko,
sa iyo'y di maipamamalas.

Isang araw bigla kang nawala
nalungkot ako bigla;
hinanap kita kung saan saan,
ngunit 'di kita natagpuan.

Sa mga kalungkutan ko ako'y nag-iisa
naalala ko, ikaw na sa akin nagpapasaya;
tuwing may problimang dumadating
wala na akong masabihan ng aking hinaing.

Noon ko lang napagtanto
ang halaga mo sa buhay ko!

Nagbalik ako sa ating bayan
di ko inaasahan ika'y matatagpuan;
napuno ang puso ko na kagalakan
ginawa ko lahat upang ikaw ay malapitan.

Buo na ang loob ko,
akin na napagpasyahan;
sasabihin na sa iyo ang tunay kong nararamdaman.
Ngunit di ko inaasahan, ang babae sa iyong tabi ng sandaling iyon,
ay iyo palang pakakasalan.

Nakita mo ako,
wala akong nagawa kundi ngitian ka.
Sinabi kong masaya ako para sa inyong dalawa.
Tumalikod ako at naglakad papalayo
habang sa mga mata ko luha ay patuloy sa pagtulo.

A L O N EWhere stories live. Discover now