Alone

1K 43 15
                                    

Marami akong kaibigan,
'di ko lang masabi ang
tunay kong nararamdaman.

Parati na lang nagdurusa,
kahit pinalilibutan ng kasama.

Pakiramdam ko pa rin,
nasa ibang planeta walang kakilala.

Sa bawat gabi'y dumadaloy ang luha.

Tila walang nakakaunawa,
sakit na di ko maadya
sa puso ko,
parating tumatama.

Lungkot ay karamay ng puso
kong luray luray,
'di makaahon sa yurak ng buhay.

Labis ang kanilang kagalakan.
Sila ay nadiriwang,
habang ako'y mamatay sa labis na kalungkutan.

A L O N ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon