Posttulachallege(rehas)

74 12 3
                                    

Tagged by: @misuMei
Titulo: Rehas(kahindik-hindik)
06/06/15 7:47am

Isang bagay aking naramdaman,
ginulo ang aking isipan.
Damdamin napuno ng pangamba at kalungkutan.
Tuwi-tuwina isip at puso ko'y may agam-agam.
Buhay ko tila walang kasiguraduhan.

Dinala ako ng kapalaran,
sa lugar na di ko nais puntahan.
Upang mabigyan ng kasagutan,
gumagambalang katanungan sa aking isipan.

Matapos ilang pagsusuri,
pakiramdam ko di mawari,
pagtitig sa mata niya batid kong may mali,
Katagang winika nya dulot sa akin matinding pighati.

Pintig ng puso ko ay bumilis,
sa buong katawan ko lumabas ang pawis.
Dalawang taon walang labis,
dito sa mundo,buhay ko daw ay mapapalis.

Kulungang walang rehas ako ay napinid,
puso ko limitado na ang pintig,
Hindi na ako magtatagal dito sa daigdig.
Katawan ko magiging tulad ng rehas- sa gabing malamig.

_______________________________________
Paumanhin Binibini hindi ko napangatawanan na maging kahidik hindik ang tula. ^_^

A L O N EWhere stories live. Discover now