Langit

109 15 3
                                    

Minasdan ko ang langit na maaliwalas,
di mapigilang ngiti sa labi ko'y mabakas,
kay ganda ng buhay,
kayrami ng biyayang ibinigay.

Minasdan ko ang langit,
kadiliman ang aking nakita.
Ulan bumuhos ng walang pakundangan,
nawika ko sa sarili, bakit kay pait ng kapalaran.

Minasdan ko ang langit,
kayrami ng bituin,
sa mapayapang gabi lahat ay nahimbing.
Bakit ganon ang buhay?
hindi ko mawari kong ano ang tunay na kulay.

Minasdan ko ang langit,
araw ay nagyayabang,
kaysakit sa mata 'pag tinunghayan,
ang sinag niyang nakakauyam.
Bakit ganon ang buhay,minsan may kainitan.

Minasdan ko ang langit,
buwan ngumiti sa akin.
Hindi tulad ng araw kaylamig nya sa paningin,
sana palagi na lang buwan ang aking kapiling.

Minasdan ko ang langit bakit hindi ko mawari,
Iba't ibang anyo nya hiwagang di masilip.
Minasdan ko ang langit aking naisip;
ang buhay ay langit,misteryong di malirip.

A L O N EWhere stories live. Discover now