Chapter 37

5.9K 264 67
                                    

Chapter 37
"Halik"

Bawling my eyes out, I could not answer him properly. He has been worriedly asking me what's wrong. He hugged me and tried to calm me down, pero hindi ako makalma. Takot na takot ako at hindi na alam pa'no pa titigil.

"I-Iyong mata ko," basag ang boses ko sa paulit ulit na pagsambit ko no'n.

"I c-couldn't see things p-properly... I c-can't see you c-clearly, H-Ham. There are s-specks! A-A lot of it!... T-There are f-floafing dirt all over! They w-won't go a-away."

Binaon ko ang basang mukha sa dibdib niya. Nanghihina ako ng husto. Humigpit ang yakap niya sa'kin.

"I-I don't w-wanna be b-blind... p-please... I'm scared... A-ayoko ng ganito."

"Shhh... I'm just here. You feel me?" malumanay niyang sabi.

Tumango ako.

"Put your hand over me. Just hug me." Inalalayan niya ang mga kamay ko at iniyakap sa kanya.

"I'm calling a doctor now. Mm-'kay? We'll figure this out."

He moved, tried reaching something-must be his phone. Tumawag nga siya, ipinaliwanag niya ang lahat ng sinabi ko. He was given instructions after. He nodded.

"We'll go to the hospital," aniya nang matapos ang tawag.

"Are you sure there's nothing else you feel? Doesn't hurt?"

Umiling ako.

He dried my tears and fixed my hair na magulo at tumatabon sa mukha ko. Naghintay kami saglit dahil tumawag siya ng driver.

"I-I can walk, just hold my hand," I said softly. Paos na ang boses ko. "I see a little."

"Alright."

Inalalayan niya ako sa paglalakad. Sumakay kami ng elevator pababa. We went out at agad na sumakay ng kotse. We sat at the back. He's holding me while I hug him on his waist. Ang bigat bigat ng dibdib ko. Puro negatibo ang iniisip ko.

Pagkarating namin sa hospital, we rushed to the emergency. Maybe he used connections that's why I was immediately taken cared and examined.

Tinanong ako ng doctor sa kung ano ang nararamdaman o nakikita ko. I told him what exactly I was feeling and seeing.

"Do you have a history of eye trauma or undergo eyes surgery?"

"No. None."

Marami pa ang itinanong sa'kin na may kinalaman sa medical history hanggang sa sumailalim na ako sa series of tests para makumpirma na nga ang nangyari sa mga mata ko.

Ilang mga test ang pagdadaanan. Ipinaliwanag ni Doc kung ano ano 'yon at para saan. I could not catch up with everything dahil sa maraming iniisip. Although, being familiar with some of it due to my previous eye condition, still, sa kaba at takot ko medyo wala ako sa sarili ko. But I'm sure Ham got it all.

Ang panghuli, ay ang dilated eye exam. May eye drop na espesyal para sa pupil na pinatak sa mga mata ko. Hindi naman masakit nang nalagyan na, gaya ng sabi ni Doc. Pero may kakaiba pa ring pakiramdam, tolerable naman. Kailangan iyon para palakihin ang itim na part ng mga mata ko. Naghintay pa sandali na tumalab. Saka sinimulan suriin ang parteng mahirap tingnan kapag normal na laki lang ang pupil.

Sumailalim na rin sa retinal imaging ang mga mata ko. Sa monitor ay naro'n nga pinalaki at malapitang view ng retina ng mga mata ko at iba pang bahagi. Lahat na yata ng puwedeng test ginawa, dahil na rin sa utos ni Ham.

"You're suffering from retinal detachment," paunang wika ni Doc. "Which means, ang retina found in the back of the eye has pulled away kung saan ito nakapuwesto."

As Cold as the Night (Book 1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum