Chapter 11

4.3K 193 56
                                    

Chapter 11
"Type"

Lunes na lunes at kalahati ng araw pa lang pero pagod na ako. I can't recall a day being excited about school because of academics. Kulang daw ako sa motivation. Hindi ko naman alam anong klaseng motivation ang kailangan ko para paghusayan ang pag-aaral. Rewards? Ano naman? Nakukuha ko naman lahat ng gusto ko.

Umm... Of course, except Hamlet Rurik Montalba.

Hmm... Galit pa rin kaya siya? Ang sungit niya kasi pati kahapon. Iyong nangyari pa rin kaya noong Sabado ang dahilan? Hindi na ulit kami sabay sa sasakyan papunta at pauwi.

Natigilan kaming apat, it's just me, KP, Angel and Berly, dahil lumabas ng campus si Eunnie. Diretso na siya sa classroom pagkabalik niya. We both stared at a girl coming our way.

"Ang ganda talaga ni Laviña."

Iniisip ko pa kung sino siya pero nasagot na ni Angel ang tanong sa isip ko.

She's beautiful. Maamo ang maliit niyang mukha. Her features are all soft. She looks like an expensive antique European doll. Lalo na dahil sa malalaking kulot ng buhok niya at kulay nitong may halong brown at blonde. Pero nang sumulyap siya sa banda namin, napansin ko naman ang pamilyar na kalamigan sa titig niya... Parang kay Ham.

I can't take my eyes off here kahit nakalagpas na siya. Dama ko ang matinding paghanga sa ganda niyang angat kahit simple lang ang ayos niya.

"Suplada... pero may karapatan naman kasi," muling nagsalita si Angel.

"Hindi naman suplada si Laviña," pagkontra ni KP. "Talagang tahimik lang siya at hindi palakaibigan."

"Close kayo, KP?"

Laviña Ricaforte... beautiful, intelligent, sporty and finesse. Pati ang ibang estudyanteng nasa unahan ay napapahinto at napapatitig, mapa babae man o lalaki. Mas lalo naman ang mga lalaki. Hindi siya nakakasawang titigan.

Natahimik ako sa mga iniisip. Siya siguro ang tipo ni Ham. Kung tutuosin bagay sila. Magkalebel sila.

"Polka," tawag sa akin ni Angel.

Napakurap kurap ako at naglakad na ulit.

"Tapos ka na sa assignment sa Oral Comm?" Nilingon ako ni Angel pagkaupo namin sa classroom.

My train of thoughts puffed. "May assignment?"

"Oo. I-iti-next ko pa nga sa'yo no'ng Sabado."

"Nakalimutan ko!"

Kinalkal niya ang bag niya. Inilabas niya ang isang pad ng papel at nilahad sa akin.

"Kopyahin mo na lang 'to. Ibahin mo lang konti para hindi mahalata ni Ma'am."

Wala akong inaksayang oras dahil malapit ng magsimula ang klase. Ang bilis bilis kong nagsulat, natataranta rin. Hindi na nga maayos ang pagkakasulat kaya mahirap basahin.

"Thank you, Angel," sabi ko nang iabot pabalik ang papel niya.

"Eh, sa Math?"

"Huh? Meron din?"

"Tsk." Napailing na lang siya. "Wala rin ako, e."

So she turned to Berly. "May assignment ka sa math?"

"Oo, kaya lang hindi ako sigurado kung tama."

"Pakopya." Kinuha ni Angel ang papel ni Berly at nagsulat na nga. She turned to me a bit. "Komopya ka na rin, Polka."

"Ah, ayos lang ba, Berly?"

"Oo, pero hindi ako sigurado riyan lahat, ha."

Tumango ako at komopya na rin. Napanguso ako kalaunan habang komokopya ng sagot. Hindi sigurl naranasan ni Ham ang mangopya. Siya ang kinokopya. Pero nagpapakopya kaya siya? Mukhang hindi. At baka takot din namang manghingi sa kanya ng sagot ang mga kaklase niya.

As Cold as the Night (Book 1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu