Chapter 19

4.5K 207 32
                                    

Chapter 19
"Hospital"


Soldier up, Polka!

I have nothing to lose now. Nothing I do will ever make him like me. At ayaw naman niya talaga sa'kin. Kaya mas mabuti pang guluhin ko na lang lalo ang buhay niya. With that, I might actually move forward faster. And I get to have a little revenge for my unrequited feelings for him, too.

"Ang sama ng ugali mo, Ham. Alam mo bang makakarma ka niyan?"

Mabagal niyang pinag-krus ang mga matipunong braso sa kanyang dibdib. Nagtaas siya ng kilay.

"And what do you think is my karma, then?" hamon niya.

"Malay mo, you'll actually end up with me. At wala ka nang magagawa."

His lips broke into a sly smile. Saglit na kumunot ang noo niya bago siya napailing. Napahawak siya sa labi niya.

"Karma nga iyon kung gano'n."

"So if I were you, you'll slow down your rudeness and arrogance." Umingos ako. "At iyang talim ng dila mo, hmm... Tahimik ka na lang."

"Uh-huh?"

"Ikaw din. I will be with you for the rest of your life... I am sure it'll be your scariest nightmare."

I'm not gonna go silent now. Hindi na rin ako mahihiya sa kanya. Bakit pa?

Minuminuto ko na lang aalalahanin ang kagaspangan ng ugali niya so it will fuel me to stop liking him. There, got some plans now.

"Kung ayaw mo nito..." Tiningnan ko ang dalang kahon. I sighed. "Might as well sell this. Mababawi ko pa ang pera ko."

I don't know anything about business. Paggastos lang ang alam ko at hindi pagpapatubo ng pera. At may bibili nga ba sa mga ito? I can try... O kung wala talaga, ipamigay ko na lang sa may gusto.

Hmm... but then, the thought of others having them starts to annoy me. So do I want this gone or not?

"Go on, do it, and you'll get what you asked for," he warned.

Kinunutan ko siya ng noo. "I'm not asking for anything—"

I was cut off when he abruptly pulled me inside. Napatili pa ako, pero bago pa kumala ang boses ko natakpan niya na ang bibig ko. I wriggled and tried to hit him. Hindi ko ngalang siya magawang itulak dahil sa higpit ng hawak niya. My heart raced sa pagkakadikit namin.

He swiftly closed the door.

Nalaglag ang kahon ko.

"Could you just shut up?" he leered, his voice was calm and in low volume.

Lumala ang pagdagundong ng puso ko. I swallowed hard and gasped.

"B-bitawan mo ako."

Dilat na dilat ang mga mata ko. Litong-lito pa sa kinikilos niya.

"Don't make noise."

Pumikit siya ng mariin tila naiirita.

"Or else I'll punish you."

He slowly let me go. Saka pa lang umayos ang paghinga ko.

"Bakit bigla kang—"

Mabilis ang pagbaling ko sa pinto dahil sa isang katok. Umawang ang labi ko.

"Hide yourself and try not to be funny or else..."

Mataman niya akong tinitigan. Malakas at naghuhurmentado na ang puso ko rito.

"Ham?"

Si Tita!

I hurriedly ran to the door my eyes landed on. Tiyempo sa pagbukas ni Ham ng pinto. This is his bathroom. Nanginig pa ang kamay ko sa paglo-lock ng pinto.

As Cold as the Night (Book 1)Where stories live. Discover now