Chapter 24

4.9K 223 65
                                    

Chapter 24
"Bangs"

"She should be fine," sabi ng doctor na nag-attend sa akin.

Napatingin ako sa kamay kong naka-bandage ngayon.

"There's no need to be confined, but if you would prefer to stay, then tomorrow she can be discharged already pagkatapos ng eye examination kung wala namang karagdagang komplikasyon." Nginitian ako ng doctor. Muli din niyang binalik ang tingin kay Ham. "Kayo lang bang dalawa?"

"My parents are coming, Doc. And I think her parents are on the way as well."

The doctor nodded. "I'll go ahead then."

Inasikaso na ni Ham proseso ng pag-a-admit. And here I am, guilty for causing him and his parents trouble, and scared already dahil darating ang mga magulang ko. At malamang si Lola rin!

Hindi naman na-fracture ang elbow ko medyo namamaga at masakit lang. Kinailangan i-bandage para hindi magalaw at mas madali mag-recover. Ang paningin ko naman, hindi na gano'n ka nanlalabo gaya kanina na hirap na hirap akong umaninag. I can see better pero may kalabuan pa rin. I badly need my glasses.

Dinala na ako sa suite. Kinabitan na rin ako ng suwero dahil nga medyo unstable ang vitals ko kanina nang tingnan.

I sat on the bed, sneaking a peak at Ham. Hindi man lang ako makapagsalita. Nakatalikod siya sa'kin. Sa tingin ko kausap niya ulit sa tawag si Tita Dennis. I have caused another trouble, at this time hindi na puwedeng hindi malaman ng nakakatanda.

I sighed, defeated and worried about what's going to happen next. Naiisip ko pa lang na papauwiin ako nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko. Ngayon pa na matatapos ko na ang unang semester. Nakakalungkot talaga. Medyo nasanay na rin ako rito... at gusto ko pang mag-stay. Hindi na lang dahil kay Ham.

"Polka, how are you feeling?" concern at may pag-aalalang sabi ni Tita Dennis pagkarating nila ni Engineer. Halatang galing pa sila sa trabaho. "What exactly happened?"

Hiyang hiya ako at hindi makatingin sa kanila.

"I'm so sorry, Tita. Nahulog po ako sa puno dahil sinubukan kong tulungan 'yong nakita kong kuting."

She nodded softly. "Don't say sorry. You were hurt. Ang importante ngayon ay maayos ka na."

Nakagat ko ang labi ko. Napirmi ang mga mata ko sa hita ko. I am really guilty for the hassle. Sobrang nakakahiya na naabala sila sa pagiging reckless ko.

Sunod sunod ang natanggap kong tawag. At iyon nga, tama ako. My family is coming. Sinubukan ko namang mag-reply sa group chat namin nila Eunnie. Nalaman din kasi nila ang nangyari. Sinabi kong maayos naman ako at walang dapat ipag-alala.

"Will you be fine here, son?" ani Tita Dennis.

"Yes, Ma," tipid na tugon ni Ham. "Just kindly send my things."

"Alright. Call me if you need anything."

Engineer tapped Ham's shoulder. May sinabi siya pero mahina kaya hindi ko na narinig.

Uuwi na sila. Si Ham ang maiiwan dito. Gusto ko rin sanang sumama na lang si Ham. I will be fine. Papunta na rin naman sila Mommy. Mas mauuna yata siyang dumating dahil nasa Singapore lang siya ngayon. Daddy and Lola already secured an early flight ngayon mismo. Nagbabyahe na sila patungong airport.

As Cold as the Night (Book 1)Where stories live. Discover now