Chapter 8

4.2K 179 41
                                    

Chapter 8
"Slowpoke"

I don't understand why the thought made me down and upset... Konti lang naman. Hindi ba dapat magpasalamat na lang ako? Nagmagandang loob siya. Iyon dapat ang pagtuonan ng pansin.

I drew a deep breath. Palipat lipat ang isip ko mula sa nangyayari sa klase at mga ganap sa isipan ko.

Nakatingin lang ako sa mga kaklase kong naghahanapan na ng kagrupo after our teacher for the last class announced that we should be grouped by five para sa mangyayaring reporting at future collaborative outputs. Ang iba ay madali lang nakabuo ng tiglilima.

Nakaupo lang ako, nagdadalawang isip kung tatayo na rin ba at makikisali o maghihintay na may mag-offer. Kapag naman kasi may grupong kulang magtatawag naman siguro ng pwedeng pumuno.

"Hoy, Keena," tawag ng nasa unahan ko sa katabi niyang tatawid yata sa kabila. Ang tinawag na Keena hindi naman nakinig.

"Hayaan mo na," sabi noong payat na miyembro. Isa na lang yata ang kulang sa kanila kaso lumipat sa iba iyong Keena.

My eyes followed Keena. Sumali siya roon sa grupo no'ng mga fashionista. Dalawa roon ay mga modelo, based sa pagpapakilala nila kanina. Inisip isip ko rin, kaya pala pamilyar. Siya pala iyong pina follow ni Carmi. Ginagaya pa nga niya ang mga outfit nito.

Bumalik ang tingin ko sa grupo sa harapan ko.

"Magtawag ka, KP," sabi noong tumatayo nilang leader.

"Nakakahiya," tugon ni KP.

"Ba't ka naman mahihiya?"

Pwede sigurong sumali sa kanila. Mukha naman silang mababait at maayos kasama. Ang iba kasi parang intimidating at namimili pa ng pwedeng isali.

"Ikaw, may grupo ka na?" baling sa akin no'ng nagsulat ng mga pangalan nila sa papel.

"Ah, wala pa, e." I brightened up. Nginitian ko sila. Tunay naman akong natutuwang isasali nila ako.

"Okay lang ba sa'yong sumali sa'min?" May bahid ng hiya at pag-aalangan niyang sabi.

"Oo naman."

"Uhm, sige, ililista na kita. Ano nga ulit pangalan mo?"

Silang tatlo nakatingin na sa akin. Tumayo na ako at lumapit sa kanila.

"I-Ikaw na lang magsulat para tama ang pagkaka-spelling."

Binigay niya ang gamit na ballpen at papel. I received it and immediately write my name sa dulo.

"Ako pala si KP," pakilala ng nag-iisang lalaki sa grupo nila. He is skinny, mas obvious ito dahil sa malaki niyang uniporme. Halatang hindi niya sukat.

"I'm Angelique, pero Angel na lang itawag mo sa'kin." Siya iyong parang leader nila. Tatlong beses siguro ang size niya sa akin. I can't see her neck. She looks lively and friendly. Hindi siya mahiyain gaya ng dalawang kasama.

"Ito naman si Kimberly." Si Angel na ang nagpakilala sa tagasulat.

"Berly na lang."

She shyly smiled at me. Kapuna puna ang birthmark niyang halos sakop na ang kaliwang bahagi ng mukha niya. Tumatabing ang bahagi ng buhok niya roon sa balat niya.

"Hi. You can call me Polka."

"Sige, welcome sa grupo namin," nangingiting sabi ni Angel.

Natapos ang ibinigay sa aming oras. Kami lang ang grupo na may apat na miyembro. Kulang kasi ang bilang ng buong klase. Tig lilima na sila.

Uwian na pagkatapos maayos ang groupings at pati na ang nakatakdang activities sa susunod na mga meeting. Ang kagrupo ko ang kasabay kong naglalakad. Nag-uusap din kami. Nakagaanan ko agad sila ng loob. We are walking slowly dahil hindi pala nakakalakad ang isang paa ni Berly. May gamit siyang saklay.

As Cold as the Night (Book 1)Where stories live. Discover now