Chapter 21

4.9K 194 68
                                    

Chapter 21
"Muse"

Natulog akong masaya. Kaya nang magising umaga ng Sabado, pangitingiti pa ako. Magtutuloy tuloy na sana ang saya ko kung hindi lang sa second dose ng vaccine mamaya.

"Sila Tita po?" tanong ko kay Ate Perla nang mag-isa lang ako sa malaking dining.

"Umalis na sila ni Engineer kasama si Pepper, may maagang lakad."

I placed two waffle pancake on my plate. Inabot ko ang whip cream at chocolate syrup. May berries kaya nilagyan ko rin. Si Ate Perla na ang nagbuhas ng fresh milk sa baso ko, pati na rin tubig. I started to eat my breakfast. My mind wanders. Mag-isa akong pupunta ng ospital. Unang beses ito. Well, I have been to my uncle's hospital, pero walang appointment, dumalaw lang. Ito ngayon, meron.

Napaangat ako ng tingin sa pagpasok ni Ham sa dining. Tuwid akong naupo. Pinagmasdan ko siya. He's wearing a maroon pullovers at off white pants. He is very fresh and neat. The look he always sport. Kahit pa nga pawisan sa laro o practice.

Umupo siya. He immediately dismissed ang tangkang pag-assist ng katulong sa kanya.

"Good morning," I greeted, still feeling grateful sa tulong niya kagabi.

"Did you sleep right after you left?"

Tiningnan ko siya ng may pagtatanong. Tumango rin ako kalaunan.

"You know it's your second shot today. Nagpuyat ka pa rin," may pangangastigo sa boses niya.

"It's the only time I can get those tix," I reason out. "Hindi na ako makakabili kung ipinagpabukas pa. You know what, lagi kasing nagkakaubusan kapag in demand and sobrang popular ng artist."

He snubbed me already like I have maxed out his time allotment for this conversation.

"Ham, iyong card para sa vaccine?" I asked nang tapos na akong kumain. Nakita ko ring tapos na siya. He wiped his lips using the napkin.

He lazily darted his gaze at me. "I have it," sabi niya sabay tayo.

I stood up too and grabbed my tiny bag.

"Let's go."

"You're coming with me?" paninigurado ko.

"Who else will accompany you?" masungit niyang sinabi.

Nagpigil ako ng ngisi. Umiling ako. Sumunod na ako sa kanya. Nakahanda na ang sasakyan sa labas. He let me in first.

"Akala ko ayaw mo na," bubulong bulong ko.

Doon pa rin kami tumuloy sa Animal Bite Section ng ospital. Parehong nurse ulit ang magtuturok sa'kin. She had a short briefing, kasama na ang mga aasahan pagkatapos ng shot.

I grimaced as I glanced at her preparing the syringe.

Napapalunok na lang ako. I am uneasy in my seat. Pagtingin ko kay Ham, nakatuon lang sa'kin ang mga mata niya.

"You're still scared."

"Oo. Ayoko sa injection."

"Magpakagat ka pa ulit," he said sarcastically.

Sinimaan ko siya ng tingin. Pagbaling ko tapos na ang nurse sa ginagawa.

She smiled. "Are you ready, Ma'am?"

As Cold as the Night (Book 1)Where stories live. Discover now