Chapter 29

5.1K 219 122
                                    

Chapter 29
"GenAd"


Eunnie must have sensed my absent mindedness. Ilang tanong ba ang kinailangan niya pang ulitin bago ako makasagot? Kaya naman siya na rin mismo ang nag-initiate na umuwi na. I just hope na hindi niya masamain. I do enjoy her company nagkataon lang talaga na nagkapatong patong na ang mga iniisip ko. I was just pretty preoccupied lalo at lunes na.

At gaya ng inaasahan, nakaaban na si Angel. Hinila niya agad ako pagkarating ko. Napaaga ang pasok ko, nagka oras tuloy siya. Pero mas mabuti na siguro. Mukhang wala pa naman siyang napagkuwentuhan sa nangyari no'ng Sabado.

I have to be honest with her. Wala na ring saysay kung hahabi pa akong palusot at kasinungalingan. Mahirap na rin iyon.

"I live with the Montalbas," pag-amin ko, bigo at tanggap ng hindi na iyon puwedeng isekreto pa.

"Sa bahay nila Ham?!" Mahina ang boses niya pero patili naman.

Tumango ako. "Please, Angel, 'wag na 'wag mong ikuwento kahit kanino."

"All this time?!" Hindi siya makapaniwala. "Magkasama lang pala kayo sa iisang bahay? Pa'no? Ano'ng meron?"

Ikuwenento ko sa kanya ang lahat. Well, some information was minimized para h'wag ng palalain ang hiya ko. Isa na roon ang tungkol sa rason kung bakit ako pumasok ng Morris.

Natahimik si Angel pagkatapos kong masabi sa kanya. She's trying to take it all in. Medyo magulo rin intindihin ang kuwento ko. Hindi ko kasi maayos ang thoughts ko.

Nagsimula na rin ang klase kayo natapos na roon. Umaasa na lang ako na maitago niya ang tungkol do'n.

Tapos na ang kay Angel. Now I have to come clean to Millard. Alam ko mali iyong ginawa ko. I dragged someone's name. Kaya habang naghihintay na matapos ang lahat ng klase sa araw na 'to, I have been rehearsing. Balak kong kausapin si Millard ngayong uwian.

Naghintay ako kung saan naka-park ang motor niya. May dala akong pagkain para sa kanya. Buti mabilis lang ang delivery. I got him chocolate truffles. Nakasilid ito sa magandang kulay mapusyaw na pink at may ribbon naman na medyo darker tone ng pink sa toktok nito.

Nakita na ako ni Millard. I waved at him nervously. Hinintay ko siyang makalapit. Agad kong inilahad sa kanya ang kahon. He eyed the chocolate truffles. Dahil do'n napakunot ang noo niya.

"Millard, may kasalanan ako sa'yo," diretso kong sabi. I grimaced. Nakakahiya ang ginawa ko. Now I can't take it back dahil malamang na pagtatawanan ako ni Ham lalo dahil nagmukha akong desperada.

But I am desperate getting over him!

"What?" Natawa si Millard. Tinanggap niya ang kahon at inilapag muna sa upuan ng motor niya.

I looked at him guiltily. Natatawa naman siya at naghihintay.

"I kinda... um, used your name."

"For what?"

"Millard, I also have a favor. Please, don't reject this. Please?"

"Wait up, ano ba talaga?"

Gathering all courage I have, I take a deep breath. I calm my nerves to focus. Napatingin tingin pa ako sa paligid kung may ibang tao. I have to be careful!

"Puwede mo ba akong ligawan?"

He was stunned for a moment pero nakabawi rin at humalakhak.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Millard, sinabi ko kay Ham na nililigawan mo ako."

Natigilan siya, sumunod no'n ang pagkunot ng noo niya. Malamang na nagulat siya. I waited for him to fully digest. I stared at him with my pleading eyes. I pouted and probably looked pitiful while begging him.

As Cold as the Night (Book 1)Where stories live. Discover now