Chapter 20

5K 215 66
                                    

Chapter 20
"Card"

Ang nurse na ang naglinis sa kamay kong na expose. At base sa assessment na ginawa ng doctor sa'kin, it's still recommended to get an anti-rabies shot. Bilang nandito na kami, puwede raw ngayon na.

Natatakot din naman akong positibo nga sa rabies iyong aso kahit sabi ng may-ari naka vaccine naman. Pero takot din naman akong maturukan. They have been convincing me na mabilis lang daw at hindi naman ibabaon ng malalim. But I am still sweating and panicking. Nanlalamig na nga ang mga kamay ko rito.

Ham's watching me with impatience and annoyance dahil kanina pa kami rito. Para ngang gusto niyang kunin na ang injection at siya na mismo ang magturok. Kung hindi lang siguro propesyunal ang mga nurses napagalitan na ako o pinaalis na.

"Look, let's get this over with, shall we?" ani Ham.

"Pumikit na lang po kayo," nakangiting sabi ng nurse sa'kin.

I took a sharp breath and then held my breath. Nakaangat na ang manggas ng blouse ko. Hinawakan ako ng nurse.

Sa kaba ko, bago paman mailapat ang karayom sa braso ko umiwas ako. Nakagat ko ko ang labi ko. I saw how the two nurses shook their heads.

"'Wag po kayong tumingin sa needle."

"N-Nakita ko na, eh."

"Ma'am, this will be quick. Tig-isang turok lang sa magkabilang braso."

They talk me out pero wala pa ring nangyayari. Na-fu-frustate na rin naman ako.

"Si Daddy, Ate Gemma o Mommy kasi kasama ko kapag may mga ganito."

"Should we sommon them just for this, Polka?" sarcastic na sabi ni Ham. Napahawak na sa sentido niya.

"Ayaw mong magpaturok, fine. Gusto mo bang kumahol? I certainly don't want someone barking in my house."

I turned to the nurse. Naiinis na rin sila. Kung hindi lang pribado at mamahalin itong hospital don't wait for me to fix my mind.

"Sir, hawakan niyo na lang po si Ma'am," the nurse who's going to administer the shot suggested.

"Let's do this," ani Ham, punong puno na at gusto na 'tong matapos.

"T-teka lang..."

Umupo si Ham sa upuan ko kanina. He glared at me then grabbed my wrist. I landed on his lap. I swallowed hard and rooted in place. He placed his hand over me. Siya na ang nag-angat sa manggas ko. Ang higpit ng hawak niya, parang gapos para hindi na ako makatakas. Tinakpan ng isang kamay niya ang mga mata ko.

"S-Sandali, Ham..."

"Ma'am, kalma po kayo."

I shut my eye tight. I anticipated the pain of being pierced.

"Don't move," utos ni Ham.

I gasped sharply nang maiturok na nga ang syringe sa kanang braso ko. Mariing bumaon ang ngipin ko sa pang ibaba kong labi.

"H-Ham..."

"Shhh..."

"Sa kabila naman po.".

As Cold as the Night (Book 1)Where stories live. Discover now