Chapter 1

6.6K 191 17
                                    

Chapter 1
"Ulap"

"What is it? Couldn't you just message it? I am busy, Polka," sabi ni Mommy.

I called to tell her about my plan. Nasa Hong Kong siya ngayon. Umuwi siya noong birthday ko and stayed until New Year. Kaya baka sa susunod na buwan na ulit siya makakabalik. Sometimes it would take three months.

"My, kasi po, I want to study sa Manila sa Senior High."

"Wait, what?"

"Daddy already agreed po."

"Sino ang kasama mo ro'n?"

"Si Ate Gemma po sana... but Lola doesn't agree. Kung gusto ko raw po ro'n, then I have to be on my own."

"Polka, that's difficult, it's far. And who would take care of you? Couldn't just your Dad accompany you?"

"I think Dad would not want to stay in Manila, My. Kaya baka hindi na ako payagan no'n."

I heard her sigh on the other line. "I'll talk to you again about this. I need to go now."

"Alright, My."

"Bye."

The call ended. I put down my phone.

I am hoping Mommy would back me up with this one. I have been wanting to pursue this. Natatakot din naman ako at nagdadalawang isip. Kung sakali, this will be the first time that I will be away from my family. Malalayo rin ako sa mga kaibigan ko. Hindi ako sanay sa malaking syudad. But I suddenly feel so determined this time. So I would be closer to Ham. Ang makasama man lang siya sa iisang eskwelahan. Masulyapan siya ng madalas. Huling taon na rin niya sa Senior High. Kaya sana kahit sa darating na school year, makalapit man lang ako sa kanya.

Since I was young, I only have my eyes on Ham. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay siya pa rin ang hinahangaan ko. Kahit na hindi niya naman ako pinapansin ay hindi man lang nababawasan ang pagkagusto ko sa kanya. I was infantuated. Pero siguro kung ganito na katagal, maybe it's something more?

I am still young, at wala namang alam sa pag-ibig. Pero bakit sigurado na akong mahal ko siya? I am in love with him. Hindi na lang ito munting paghanga. Marami rin namang matalino, may itsura at talented na iba, pero siya lang talaga ang kayang pakabugin ang puso ko.

Madalas akong pagtawanan sa hayagan kong pag-amin na gusto ko si Ham. They don't take my feelings seriously. Hindi kasi nila naiintindihan ang matindi kong nararamdaman para sa kanya. Na kahit pilitin kong huwag na siyang isipin, maaalala at maaalala ko talaga siya. Si Ham lang ang gusto ko mula noon hanggang ngayon. At sa tingin ko hindi pa rin ito magbabago sa susunod na mga taon. And it pains me na hindi siya makita ng madalas. I miss him, araw-araw. I don't even know how to explain the clenching feeling of my chest tuwing hindi niya ako napapansin.

"I heard Ham went home," ani Carmi, pagkatapos ng klase namin sa umaga. Balik eskwela na ulit pagkatapos ng holiday season.

"Oo, he even went to church."

"Nagsimba ka?"

Tumango ako. "Lola invited them pero paalis na kasi sila."

"Hm..."

"Carmi, sa Manila na ako mag-aaral," sabi ko kahit hindi pa naman maayos ang lahat.

She stopped walking kaya huminto rin ako. Papunta na kaming canteen para kumain. Pareho kaming walang baon. Sa canteen kami kumakain tuwing break time at lunch. She turned to me. Nakakunot ang noo niya.

As Cold as the Night (Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora