Chapter 28

4.8K 231 36
                                    

Chapter 28
"Bravo"

"Hindi ako uuwi," ulit ko, mas sigurado at determinado.

Bumusina ang customer dahil walang naka-attend. Naagaw no'n ang atensyon nila Angel at Bambol. Nagkumahog silang dalawa na lumapit at inasikaso ang magpapa-gas. Naiwan nga lang ang mga tingin nila sa amin.

Bumuntonghininga ako. It's no longer my fault kung nalaman na ni Angel ang ugnayan naming dalawa ni Ham. He exposed us! I can't think of any cover up right now. But maybe kung papakiusapan ko si Angel not to tell anybody, puwede naman siguro. Iyon kung malilihim niya ba.

"Umuwi ka na, Ham. Dito lang ako."

I thought he'd get mad. Pero nanatili siyang kalmado.

Why is he even here? Nagsabi na akong hindi ako uuwi ng mansyon kaya bakit nandito siya at nagmaneho pa mismo?

Hamlet Montalba will always be complicated. He would say one thing and do another. Para akong tinutulak para hilahin niya lang ulit. Hindi ko masabi kung kailan siya seryoso o gustong paglaruan ako. He's multi faceted! And it made him dangerous... dangerously tempting.

Pakiramdam ko kilala niya na ako at alam ang bawat takbo ng isip ko... samantalang ako mangangapa at manghuhula lagi. At 'yon din siguro ang rason bakit ang hirap niyang bitawan. Okapudo niya ang isip ko.

Don't we like and love the things... the person... that can't be ours? Because somehow... we want to chase. Sa paghahabol nakakaramdam tayo ng pinaghalong kabiguan at tagumpay. Sa dulo ng paghahabol, nasa atin, nasa tadhana kung mananalo ba tayo o matatalo. Dahil kahit gawin man natin ang lahat kung sadyang hindi para sa atin, hindi tayo mananalo.

"Nagpaalam na ako kay Tita. Kaya wala ka ng aalalahanin pa," dagdag ko nang nanatili pa rin siyang nakatayo sa harapan ko.

I thought he'd move after I said that. Tiningnan ko siya at nalilito kung bakit narito pa siya. Malinaw ko namang sinabi na hindi ako sasama sa kanya.

He nodded softly. "Then I'll stay here as well."

"Huh?"

"You don't want to go home, right?"

"Hindi puwede! B-Bawal!"

He raised one brow at me.

"U-Umalis ka na, Ham. Nakaharang ang kotse mo. Nakakaabala sa trabaho nila. Baka mapagalitan pa sila... Kaya umuwi ka na lang."

"I'll pay for the parking and the inconvenience," he said confidently. "How much is it?"

My forehead creased. My brows end must have meet. Tinitigan ko siya, nalilito at nahihiwagaan. Hindi agad ako nakakibo dahil napapaisip ng maigi. Nawalan na rin ako ng boses nang hindi na alam anong sasabihin sa kanya.

Nilingon ko sila Angel. Wala ng customer pero hindi na siya bumalik sa tabi ko. Nanatili ang kuryuso niyang titig. It's obvious in her contorted face. Alam kong umalis lang ito si Ham, pupunuin niya ako ng mga tanong.

"Sasamahan ko si Angel hanggang end ng shift niya. Bukas pa 'yon. So you better go home now," mas malumanay kong sabi hoping he will understand at umalis na. "Baka mapagalitan ka pa ni Tita o Tito."

As Cold as the Night (Book 1)Where stories live. Discover now