Chapter 5

4.8K 176 35
                                    

Chapter 5
"Nevermind"

Marunong magluto si Ham. Siya ang naghanda ng agahan. Hindi ako makalapit at hindi tumulong. Baka magkamali na naman ako. I stand at the far side watching him prepare them all.

Mayamaya lang nakabalik na sila Tita Dennis.

"Sayang hindi ka nakasama, Polka," ani Tita.

"Ayos lang po. Pasensya na po. Hindi ako nagising ng maaga." Sumulyap ako kay Ham.

Kapag isinumbong niya ako, tiyak na bukas agad susunduin na ako para iuwi sa'min.

"It's alright."

Naghihintay na lang akong sabihin ni Ham sa kanila ang nangyari. Mas pinoproblema ko iyon kesa sa cellphone na nalunod sa ilog. Nanghihinayang din naman ako. Ayan kasi, sinabi na nga niya na ayaw niyang ini-invade ang privacy niya, nagnakaw pa ng picture!

Tama lang na dinala ko ang lumang phone ko. Gumagana pa iyon. Para may magamit pansamantala. I just hope na lahat ng importante roon ay naka back up, so I could still recover them.

Pinanuod kong tinuturuan ni Ham si Pepper kung paano ang tamang galaw ng mga paa habang pinapanatili ang bola. Bukod sa pagiging matalino, marunong din sa soccer si Ham.

Ang tiyaga ni Ham magturo sa kapatid niya. Nang malamang naglalaro si Ham, sinubukan ko rin. Our school's main sport is soccer. Kaya sagana sa mga training. But the sport is very exhausting. Mahina ang katawan ko at lampa pa kaya hindi rin natuto.

"Good. Now, do it again," sabi ni Ham.

"I think I got this, Kuya."

"Be careful."

Malapit si Ham kay Pepper. Siguro dapat kong kaibiganin muna siya. At baga may malaman pa ako tungkol kay Ham. Dapat alamin ko ang mga hilig niya. Pakiramdam ko ang ganda ng ideya ko.

The rest of the day ako lang yata ang walang ginagawa. Ang dami nilang pinagkakaabalahan. They are all productive. Sinasali naman ako, ako lang ang nahihiya.

"What?" Ham leered when he caught me staring at him.

I pouted, looking at him with pleading eyes. Kita ko ang iritasyon niya sa pagkunot ng noo niya.

"Say it if you have something to say."

"I am sorry sa nangyari. Please h'wag mo na akong isumbong."

He glared at me and walked past me without considering my plea. Mas lalo akong napanguso na lang. Sinundan ko siya ng tingin.

Sa hapon ay umalis na kami pabalik na ng Manila. Ganoon pa rin ang pwesto namin sa sasakyan. Nilingon ko si Ham agad niya namang ikiniling ang ulo sa bintana parang ayaw akong makita.

"Have you been to Morris, Polka?" tanong sa'kin ni Chiz.

"Hindi pa."

"Ibig sabihin sa pasukan na ang unang punta mo."

I nodded.

"Anong strand mo?"

"HUMMS." Iyon ang kinuha ni Carmi kaya iyon na lang din ang akin. Hindi ko rin naman kakayanin siguro kung sa STEM. Hindi ko alam kung anong strand si Ham. Hindi kasi nababanggit.

As Cold as the Night (Book 1)Where stories live. Discover now