Chapter 6

4.2K 173 20
                                    

Chapter 6
"Shut Up"

Dalawang kamay nasa likod, palundag-lundag pa konti akong naglalakad, nakasunod kay Ham. Titig na titig ako sa likod niya habang pigil ang ngisi. Kinagat ko ang labi ko at sinubukang iayos ang ekspresyon. Isang dipa ang distansya ko sa kanya. Tama lang ang bilis ng lakad niya, pero sadyang mahaba lang ang mga biyas niya kaya naiiwan ako. Kaya ko namang humabol at tapatan ang lakad niya pero alam ko namang ayaw niya.

He stopped, mabilis akong napahinto. Hinarap niya ako. Agaran ang pagbaba ko ng tingin.

"Where are you going?" he said while eyeing me, serving his stern face.

Nangapa ako ng sasabihin dahil ang totoo ay sumusunod lang naman ako sa kanya.

"Piss off." Tinalikuran niya na ako bago pa ako makasagot.

Bigo akong bumalik sa clinic nang matantong wala ang bag ko pati ang coat. Pumasok ako at nilapitan iyong nurse kanina.

"Iyong bag at coat ko po."

"It's here."

"Salamat po," sabi ko pagkatanggap no'n.

"Are you sure you're okay now?"

"Opo, Nurse..." Binasa ko ang pangalan niyang naka-engrave sa nameplate niya. "Dee."

She nodded. "Just go back here if you feel something."

"Thank you po."

Sinulyapan ko ang wrist watch ko. Alas onse y media na. Nakakaramdam na ako ng gutom.

Saan kaya kumakain si Ham? Sinong kasabay niya?

Natunton ko naman ang cafeteria. Malawak ito. Maayos ang lahat ng mesa at upuan. I am not sure if the students are just well behaved o may tagasunod sa mga kalat at tagaayos. It's fully air conditioned. Kaya malamig at komportable. Naglakad ako papunta sa dulo ng pila.

Hinanap ko pa rin si Ham sa mga mesa habang nakatayo sa pila. Wala siya rito.

"Chicken cordon bleu po, baked sushi, leche flan and then milk shake po, please," sabi ko nang turn ko na.

Kumuha ako ng isang libo at inabot sa kahera. Binigay niya sa'kin ang sukli. Konting barya lang 'yon.

"Keep the change po," sabi ko.

Kumunot ang noo niya bago umiling.

"Ah, wala po bang donation can?" Naalarma ako baka na-offened ko siya. Gusto ko lang talaga na h'wag na kunin.

"Bawal 'yan dito, Miss,"

"Ah, okay po." Bahagya akong nahiya. Tumingin pa ako sa pila sa likuran ko kung may nakapansin ba.

I put the change inside my wallet bago tinanggap ang tray ng pagkain.

Mabagal akong kumain kaya natagalan ako sa cafeteria. Mamayang hapon may pagtitipon sa quadrangle. May mga booths exhibit ng iba't-ibang club o organization. Kasali sa curriculum ang pagsali sa ganoon. Kahit isa man lang sa mga naroon.

Dumaan ako sa kung saan pwedeng ma-claim ang IDs. Mangha kong tinanggap ang akin. Ilang beses kong binasa ang buo kong pangalan. Ang saya ng pakiramdam ko. Kabilang na ako rito. I kissed my ID, feeling so thrilled about it. I proudly slid it on my head. Inayos ko ang pagkakasuot.

When I reached the quadrangle, the area looked festive. Nakahilera ang mga booths na may mga signages naman. Iba't-ibang clubs, organization at mga grupo ang narito, lahat may nagtatawag. Nangre-recruit siguro.

As Cold as the Night (Book 1)Where stories live. Discover now