Chapter 26

4.9K 218 61
                                    

Chapter 26
"Good"

"Calm down, hindi natin ikakamatay ang pagkakakulong dito." I don't know if he's just composed o sadyang maloko pa rin kahit sa mga ganitong sitwasyon.

"Paano nga kasi tayo makakalabas dito?" Nakapamewang na ako rito habang nag-iisip kung pa'no makakalabas at sa tawag ni Ham na hindi ko naman masagot.

"Wala ka bang puwedeng tawagan diyan?"

Meron. Pero hindi pwede. It will complicate things. Ikakapahamak ko, ikakapahamak ni Ham o kung sinong mang hingan ko ng tulong. Marami ang maaabala. Gugulo ang lahat. Kung sana si Millard na lang ang humanap ng makakatulong sa'min.

Palinga-linga ako, naghahanap ng alternate na puwedeng daanan palabas. May bintana pero maliit naman at naka secure pa ng bakal sa labas.

"Let's just sit down and wait," ani Millard. Umupo siya sa sahig. Kumain ulit siya.

"Mapapahamak tayo rito, Millard! We might suffocate, hindi kaya magutom o ma-dehydrate."

He chuckled, malakas na umi-echo pa. "I have slept here, hindi naman ako namatay."

Napakurap kurap ako at nakuha ang atensyon sa sinabi niya.

"Pasaway ka talaga!"

"Maghintay na lang tayo. The guards will come to check bandang 8:00 pm."

"Sigurado ka ba?"

He shrugged his shoulder.

"Pa'no kung tamarin sila at hindi na pumasok ng gym?"

"Then bukas na."

"Millard!"

Puro kalokohan!

"Alright, Alright. We'll get out of here, okay? Kaya kumalma ka na riyan."

"'Wag kasi panay biro. Kita mo ngang namomoblema na ako rito."

"Ayaw mo no'n you'll have an unforgettable experience?"

"Hindi naman ganito, Millard."

"Wala ka bang tiwala sa'kin? You think hahayaan kitang mapahamak?"

I sighed. Magtitiwala na lang ako sa kanya.

I opened my phone and started typing a message for Ham. Bakit kaya siya tumatawag?

Ako:
Bakit ka tumatawag?

Nagulat ako sa bilis ng reply niya.

My Love Ham:
Why won't you pick up my call?

Tumawag ulit siya! Namilog saglit ang mga mata ko. Umayos din ako. Nakatingin sa'kin si Millard.  I rejected the call. Nagmadali akong magtipa.

Ako:
Don't call. Hindi puwede. Anong kailangan mo?

My Love Ham:
Where are you? Are you still with Millard?

Ako:
Oo. May problema lang konti. Hinahanap na ba ako ni Tita? Uuwi rin ako.

My Love Ham:
What problem? Answer my call.

Sa halip na mag-reply tinago ko na ulit sa bag ko ang cellphone. Hindi ko alam pa'no magpapalusot.

"Oh, hinahanap ka na?" tanong ni Millard pagkaupo ko sa tapat niya. Kinuha ko ang hindi pa nagbubuksang pagkain at binigay sa kanya. Kawawa naman siya mukhang gutom pa.

"Oo, eh."

I offered him my water. Baka mabilaukan siya. Hindi ko siya matutulungan. Umiling naman siya. Kaya inubos ko na ang laman ng water bottle ko.

As Cold as the Night (Book 1)Where stories live. Discover now