Chapter 16

4.5K 223 75
                                    

Chapter 16
"Move On"

I glanced at the few people passing my way. Kanina pa ako rito sa labas ng binabaan kong café. Bakante ang mga tables nila rito, na ipinagpapasalamat ko naman. After what happened, nagmadali akong tumakas sa kahihiyan. Sinuwerte lang ako nang makasakay agad ng taxi.

Tapos na akong umiyak. Ngayon, hindi ko na alam ano ang gagawin o saan pupunta pagkatapos nang nangyari. I don't think kaya kong umuwi sa mansyon ng mga Montalba. Ang totoo ayaw ko na umuwi ro'n.

I have been calling Mommy several times. Pero nang sumagot naman siya, abala siya at hindi ako puwedeng kausapin.

Tinapunan ko ng tingin ang inumin kong malamang matabang na dahil natunaw na ang yelo.

There's nothing wrong with what I did. Wala naman talagang masama sa magsabi ng nararamdaman, but why does it feel like I did a shameful crime? Ano naman ngayon kung may ibang mga tao ang nakarinig?

Walang masama... pero nakakahiya. Sobrang nakakahiya.

Sinundan ko ng tingin ang bagong dating na customers. Must be a couple. Pinagbuksan ng lalake ng pinto ang babae. My lips pouted. Hindi naman ako naiinggit.

Umuwi na kaya si Ham?

Kumalma na ako, pero nang muli na namang nagpaulit-ulit sa isipan ko ang nangyari sa shower room, namumuo na naman ang luha ko.

Tinakpan ko ng dalawa kong palad ang mukha ko. Siguro ang dungis dungis na ng mukha ko.

Nanghihina kong ibinaba ang mga kamay. Nakaramdam na ako ng gutom. Gutom na ako pero ayaw ko naman tumayo rito sa kinauupuan ko.

I cried without tears. Natuyo na yata kaya wala ng lumalabas. Saan na ako pupunta ngayon? Dapat bang dumiretso na lang ako ng airport at umuwi sa'min?

"Cute ka pa rin kahit umiiyak."

Marahas akong napalingon nang may nagsalita.

"A-anong ginagawa mo rito?"

"Tsk." Walang paalam siyang umupo sa katapat kong silya.

"H-humanap ka ng ibang puwesto. Marami namang b-bakante."

"Hindi mo naman 'to pag-aari para ipagdamot."

Tatayo na lang sana ako. Hinawakan naman niya ang kamay ko para pigilan ako.

"Ano bang kailangan mo?" Naghalo ang iritasyon at hiya sa akin. Hindi ko man lang siya matingnan.

"Wala... Pero ikaw... baka kailangan mo ako?"

Kinunutan ko siya ng noo. "Bakit naman kita kakailanganin."

He shrugged his shoulder. Binitawan niya na ako.

Saan ba siya galing? Hindi ko man lang namalayan ang pagsulpot niya rito.

"Nag-lunch ka na?" Napaka wala sa hulog niyang tanong. "Nagugutom na ako. May pera ka ba riyan?"

I stared at him, feeling perplexed.

"Pautang ako. Bayaran kita next week."

Frowning, bumalik ako sa pagkakaupo. Tiningnan ko siyang mabuti. I am trying to think kung biro lang o seryosong hindi pa siya kumakain dahil walang pera. Baka gaya rin siya nila Angel na nakapasok lang dahil sa special grant.

"M-magkano ba?"

"Five hundred."

Mabagal kong binuksan ang zipper ng body bag ko para kunin ang wallet ko. Nang mailabas ang pitaka ko, kumuha ako ng buong five hundred. Binigay ko sa kanya.

As Cold as the Night (Book 1)Where stories live. Discover now