postTulaChallenge

130 14 6
                                    

Tagged by:TAGA-ILOG09

Title: Kasal

Mr.Rivero pwede bang tayo nalang ay magpakasal?
paggawa kasi ng tula tungkol sa kasal,
ay talaga namang nakakasakal.
mas madali pa yatang iharap ka sa altar..
Wahaha pinapraktis ko lang ang retmo...
Ito na Ginoo ang sagot sa hamon mo:

"Kasal?
Sino ba naniniwala sa bagay na iyan,
isa lang yang seremonyang walang kahulugan.
Bakit ka magpapakasal?
Itatali ang sarili sa isang relasyong 'di mo alam kung magtatagal."
wika ni lalaki.

"Kasal?
Hindi na iyan kailangan,mayroon nga diyan di kinasal nagsasama ng matagal;
iyon pang nagsumpaan sa harap ng altar ang naghihiwalay.
Mas mabuti nang hindi kasal,
malaya kang humiwalay sa oras na mawala na ang pagmamahal."
sabi naman ni babae.

Bunga nito maraming dalagang ina,
lalaking di alam responsibilidad bilang ama.
Anak ang nagdurusa dahil sa kanilang sala.
Kung pagpapakasal pinahalagahan nila,di sana masayang ang pamilya.

Ang kasal ay isang proseso,hindi isang kalagayan,
isang simula,hindi katapusan;
simula ng bagong buhay at hindi isang adhikain lamang.

Ang katibayan ng kasal(maririage certificate) ay pahintulot na palalimin ang ugnayan,
hindi isang kasulatan lamang kaya dapat ito'y pahalagahan.

Kasal ay isang TIPAN hindi kuntrata,
tipan ng dalawang taong nagmamahalan;
tipan sa Diyos na sa kanila ay maylalang.
Ito ay pakikibahagi sa pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

Nagmula sa AKO at IKAW na magiging TAYO,
nangangahulugang pasasakop sa kapariho.
magiging tapat sa sinumpaan at
Diyos ang magiging sentro.

Kasal dapat pinaghahandaan!
Bago maki-pagrelasyon iyong tandaan,
handa ka na ba sa kalalabasan?
Bago sumagot ng "I do" isipin mong sumpa ito;
na kailangan mong panindigan hanggang sa kamatayan mo.

_____________________________________
Pagawa pa lang ng tula tungkol sa kasal mahirap na,paano pa kung totoo kasal na.hmmm..kaya mas mabuting magpakatandang dalaga..haha..

A L O N EKde žijí příběhy. Začni objevovat