#posttulaChallenge

132 14 4
                                    

Tagged by: BabaingBobosaMATH
Title : Anino

I.
Aking anino gusto kong magtago,
lumubog o kaya magpakalayo-layo.
Pagod na kasi ako sa iyong pag-suyo,
pwede bang pakinggan mo aking hinuyo.

II.
Saan man ako magtungo mapa-hilaga man o timog,parati kang nakasunod.
Minsan ako sayo'y naiinis na,
nagiging limitado kasi kilos ko
dahil sa iyong presinsya.

III.
Aking anino ako ay palayain,
bakit kahit sa dilim ikaw ay kasama ko pa rin,
'di ako makatulog ng mahimbing
tuwi-tuwina naririnig ko iyong hinaing.

IV.
Matagal ng panahon ang lumipas
ngunit nananatili iyong bakas,
Aking anino ako ay lubayan,
pagkakasala ko iyo ng pakawalan.

___________________________________

ito na!challenge talaga 'to,dumugo utak ko..haha ^_^

A L O N EOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz