Chapter 44: The Beach

62.7K 1.2K 63
                                    

Play the video sa gilid para malaman nyo yung kinakanta ni RENJI. XD


Chapter 44: The Beach

 

 

Viel's P.O.V

 

 

          "C-A-M-P F-I-R-E S-O-N-G SONG! C-A-M-P F-I-R-E S-O-N-G SONG! C-A-M-P F-I-R-E S-O-N-G SONG!"

          And here comes the number one fan of Spongebob Squarepants. Let's give a round of applause to Renji! Tsk! Papansin talaga 'tong hapon na 'to!

          "C-A-M-P F-I-R-E S-O-N-G SONG! C-A-M-P—"

          "At inulit mo pa talaga huh?!" sabi ko saka batok sa kanya.

          "Aray! Ano ba! KJ mo tlaga Viel kahit kailan! Mama Hanna o! Si Papa Viel namimisikal! Hiwalayan mo na nga!"

          At nagawa pa talaga nyang magsumbong kay Hanna huh?! He's pissing me off! Kung bakit kasi sumama-sama pa 'to eh!

          "Hoy Renji! Ikaw yung naka-assiign gumawa ng tent ah! Ayusin mo na 'to!" sigaw ni Sean mula sa di-kalayuan.

          "EEEEE??!!"

          "Bilisan mo na! Ikaw naka-isip nito kaya kumilos ka na!"

          "Hai! Hai!"

          At tuluyan ng umalis si Renji sa may tapat ng bonfire.

          "Finally!" sabi ni JD saka nahiga sa may buhanginan.

          Yeah! Finally! Tumahimik din kami dito.

          Ang 3 idiots ang sinewerteng mag-ayos ng lahat (tent, water, food, etc) para sa first night namin dito sa may La Isla sa may Batangas. Ilang oras din ang naging byahe namin at medyo nakapagod kaya nagtataka kami kung saan ba nakuha ni Renji kung ganoong kataas na energy at kumnta pa sya ng campfire song song na galing sa Spongebob Squarepants na pinanuod namin kanina sa loob ng kotse (sya yung nagplay noon). Isip bata!

          "Nakakatawa talaga si Renji ano?" biglang sabi ni Hanna na nasa tabi ko. "Hindi ka talaga mabobore pag sya kasama mo."

          Biglang tumayo mula sa pagkakahiga si JD at sabay naming binigyan ng alien look si Hanna.

          "Sigurado ka?" sabi ko.

          "Oo kaya! Ang kulit nya! Minsan ang sarap na nyang patayin pero in the end, matatawa ka pa din sa kanya."

          'Mas gusto ko syang patayin kaysa tawanan.' sa isip ko.

          "By the way Hanna," si JD. "Bakit ka nga pala nagyaya magbakasyon?"

          "Wala lang. Feel ko lang."

          JD stared at Hanna na para bang inaalam talaga nito kung totoo ba talaga ang sinasabi ni Hanna then after a while, JD look at me. Then he shrugged his shoulder.

          "Sabagay, makakabuti sa'yo yung fresh air." sabi nito saka muling nahiga sa may buhanginan.

          Kasama namin si Rina sa tapat ng bonfire kaya alam kong JD is trying to make that conversation a little less well, complicated.

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon