Kabanata 69

944 19 1
                                    


Ang hirap naman ng ganito. Araw-araw akong napapaiyak ng mga pelikula. Pati itong binabasa ko napapaiyak na ko kaagad. Kaya laging may dalang tissue yung kambal ko. Ewan ko ba. Lagi kasi akong nagpupuyat. Sabi nila, mababaw lang daw yung luha kapag laging nagpupuyat. Gusto ko ng umalis. Gusto ko ng iwan yung mga masasakit na ala-ala dito.


"Tama na nga yan! Nadadala ako sa iyak mo. Iyak ka ng iyak dyan. Ubos na yang tubig mo sa katawan." Meron talaga akong malalim na kahulugan kung bat ako umiiyak.



Hanggang ngayon sariwa pa din sakin yung nangyari nung March 31. Ganun na ba ako katanga para paglaruan ng tadhana? Ibig sabihin, totoo nga? Na kapag matalino ka daw, tanga ka sa pag-ibig? Hay, nako. Bakit ko pa to pinasok.



"Tara, skydiving tayo. Baka matigil na yang pag-iyak mo." Wala akong panahon sa mga ganyan pero siguro.. Para na rin sakin. Para na rin mawala yung sakit na nararamdaman ko.



"Tara na nga. Nauurat na ko dito. Tsk." Pinunasan ko yung mga luha ko.



---



Ayoko muna sanang mag-interact sa ibang tao kaso heto ako ngayon, nakita ko ung mga itinuring kong pamilya na namimili ng jumpsuit. Tignan mo nga naman ang tadhana o.



"Pick your jumpsuit. Wag ka nang bitter." Sabi sakin ni Kaede. Nakabusangot nanaman kasi itong pagmumukha ko.



Habang isinusuot ko ung jumpsuit ko, hindi ko maiwasang kabahan. Mamamatay kaya ako pag tumalon ako? Paano na kaya kambal ko kapag nawala ako?



---



Nakasabit ako.. Not literally nakasabit. Basta kasabay ko yung parang staff nila dito. Ewan ko. Kanina ko pa siya tinititigan. Ang ganda ng mata niya e. Parang si.. Aless.. Ay nako. Hindi yan!



"1..2.." Narinig kong nagcocount down sila.



"Parang awa! Ayoko!" Tinignan ko yung baba. Nalula ako. Bumalik nanaman yung takot ko. Naalala ko nung bagong taon. Kundi kay Dan, baka siguro.. Nagkalasug-lasog na yung mga buto ko.



"Ang duwag mo kambal. Nandyan naman si ano para saluhin ka." Natatawa niyang sabi sabay senyas sa taong nasa likod ko... Sino? Wag niyong sabihing...




"AHHHHHHH!" Napapikit ako ng mata dahil bigla kaming tinulak. Sht. Napapaiyak ako. Ayokong imulat ang mata ko. Ayokong maalala ang kahapon. Ayokong maalala ang sakit ng nakaraan.

Panget Ako! Palag Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon