Epilogue

14K 635 219
                                    

Ink

"The greatest joy in life is knowing that we are loved, and that we are loved for who we are. It is difficult to imagine anything greater than being loved." Seryosong nakikinig ako sa officiant ng magsimula ang seremonya ng kasal namin ni Lou.

I planned everything after sabihin samin ng family namin ang tungkol sa dalawang taong bakasyon namin.

Bakit? Dahil gusto kong ulitin nag vows ko. Ang panget kasi noong nauna. Noong panahong tutol na tutol ako sa pagpapakasal sa kanya.

"We've gathered this morning to celebrate love. We've gathered to celebrate and witness the union of these two persons in marriage." Pasulyap sulyap pa ako kay Lou, na ngayon ay seryoso din na nakikinig.

We're both taking this seriously now, unlike the first time na pareho kaming nagkukunwari sa harap ng ibang tao.

"Marriage is the union of two people in their hearts, bodies, minds, and spirits. It should not be taken lightly, but rather reverently, honestly, and deliberately. And it is into this union that Ink Fuego and Louisiana Shayke are now being brought together." That's why I want to be married to her again. Because I, too, take marriage as a serious matter.

Hindi yung laro lang. Hindi yung dahil lang napagtripan ka ng mga patay na malalakas ang trip sa buhay at kinandado na ang kinabukasan mo sa isang taong sa una ay hindi mo naman talaga nais makasama.

"Ink Fuego you have chosen Louisiana Shayke to be your life partner.  Will you respect and adore her? Will you always be truthful to her? Will you stick by her no matter what happens?" Huminga muna ako ng malalim para pigilan ang bugso ng emosyon na gustong kumawala kanina pa bago sumagot.

"I will,"

"Ink having flashbacks right now!" Rinig kong kantyaw ni AC na ikinatawa ng mga kaibigan namin pero ang pamilya namin ay may pagtatak sa mukha.

"Louisiana Shayke you have chosen Ink Fuego to be your life partner. Will you respect and adore her? Will you always be truthful to her? Will you stick by her no matter what happens?" Pasimpleng sinulyapan ko si Lou na ngayon ay nagpapahid pa rin ng luha.

I sighed as I brought my thumb to wipe her tear-stained cheeks.

"Iyakin." Natatawang saad ko na sinagot niya ng irap. 

She cleared her throat first before answering.

"I.. w-will."

"Tamang desisyon. Bilisan niyo Lou, gutom na ako!" Hiyaw ni Pearl.

Hindi ba pwedeng magseryoso muna sila kahit ngayon lang? Buti nalang hindi sila maiintindihan ng nagkakasal sa'min dahil hindi naman 'to pinoy.

"And do you both agree to make the necessary changes in your personal lives so that you can live in peace together?" Sabay pa kaming nagkatinginan ni Lou at ngumiti sa isa' t isa.

"We do." both of us uttered.

"Now, in the spirit of joy and affirmation, I'd like to ask a question to your families and friends. Do you, the families and friends of Ink Fuego and Louisiana Shayke, wish them a happy and healthy life together and support this special day?" I look back at our family and friends and gave them a warning gaze.

"Subukan niyong humindi, habang buhay ko kayong hindi kakausapin." May pagbabantang saad ko na ikinatawa nila maging ni Lou.

"Parang noong una lang sinusumpa sumpa mo ako ah." Bulong ni Lou na sinagot ko lang ng isang ngisi.

"Noon yon, wifey. I've changed for the better." Binigyan ko pa siya ng isang kindat na agad kinapula ng mukha niya.

"Sumagot kayo!" Baling ko ulit sa mga kaibigan at pamilya namin. Pati grandparents namin tumatawa na.

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon