Chapter 4

17.2K 846 261
                                    

Lou

"Sister!" Malanding sigaw ni Tynt pagpasok niya sa office ko. Simula noong malaman ng family niya na isa siyang butterfly at tinanggap ang kalandian niya, ayan ang bruha ladlad na ladlad na ang paglambot. Hindi naman sa nagbibihis siya pambabae, pero yung salita at kilos niya talagang nagbago.

"Sister your face" Angil ko sa kanya habang binebeso beso niya ako.

"Why ba badvibes ang peg ng lola mo ngayon? Stressedt ka gorl?" Di ko talaga kinakaya ang mga sinasabi niya. Parang bigla siyang nagtransform.

"Stressed ako sa kapatid mong pinaglihi sa sama ng loob" naiiling na saad ko habang inaayos ang mga nagkalat na papeles sa table ko.

"Shutabels ang aking sister hindi pa din ako kinikibo!" Napatawa naman ako ng slight dahil mukhang bigla din siyang nastress pagkabanggit ko sa kapatid niya.

"Alam mo naman kasing ang laki ng galit non sakin, Tynt" Napapailing nalang talaga ako dahil sa babaeng yon. Akala mo laging aawayin.

"What's the real reason nga ba why she's so angry at you, sister?" Pang ilang beses na nga ba niya tinanong yan?

Hindi ko kasi masabi sabi ang dahilan, panigurado kasing papatayin na ako talaga ni Ink pag pinagsabi ko yon.

Kaya imbes na sumagot ay nagkibit balikat nalang ako.

"No comment" Saad ko. Tumayo na ako sa swivel chair at kinuha ang bag bago lumapit kay Tynt na naka pambabaeng de kwatro pa sa couch.

Napakalandi pa ng pagkakapatong ng dalawa niyang kamay sa tuhod.

"Tara na at baka umusok na naman ilong ni Ink pag nalate tayo" Aya ko dito at agad naman siyang tumayo.

Sinundo lang ako ni Tynt para sabay na kami pagpunta sa magiging venue ng kasal. Masyado kasing pinagdidiinan nina lolo na lagi dapat kami magkasama ni Ink sa pag aayos ng lahat.

"Daan pala tayong flower shop bago pumunta sa Casa Han" Gosh I almost forgot!

"Why sister? Nililigawan mo na ba ang aking kafatid?!" Eksaheradang saad ni Tynt habang nagmamaniobra ng manibela.

"Gaga! Mandiri ka nga" Kunot noong asik ko sa kanya. Aasarin ko lang naman si Ink. Balak ko kasing maging sweet sa kanya everytime we're outside and madaming kasama. Sigurado kasing iinit nag ulo non at maaasar.

I really like making her pissed to the point na namumula na yung buong mukha niya sa galit. Mukha siyang siopao na asado. HAHAHAHAHAHA

"Pero infairness sister, bagay kayo ni kafatid" Parang gusto lumabas ng lahat ng kinain ko dahil sa sinabi niya.

"Ang isang diyosang tulad ko ay hindi nababagay sa isang bulateng albino na kagaya niya. Kaya manahimik ka dyan oh sasabihin ko sa bf mo na may kinindatan kang lalaki kanina sa office" Agad naman nanlaki ang mata niya at umaktong sinasara ang bibig dahil sa sinabi ko. Weak!

~

"Darlinggggggg~" isang metro pa ang layo ay sumigaw na ako para makuha ang atensyon ni Ink na kausap ang planner namin.

I heard Tynt coughed behind me pero hindi ko na pinansin at malawak ang ngiting nang aasar na naglakad na ako papalapit kay Ink.

Gusto ko na matawa dahil salubong na ang kilay niya at masama na ang pagkakatingin sakin.

Success!

"My darling! Namiss kita, hindi mo ba ako namiss?" Pinalungkot ko pa ang itsura ko matapos humawak sa braso niya gamit ang kaliwang kamay ko.

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon