Chapter 30

11.5K 519 200
                                    

A/N: Good Morning!

---

Lou

"Bakit kasi mauuna ang flight niyo ni AC?" Naiinis na saad ko habang kaharap si Ink.

Sila kasi ni AC ang nagbook ng flight namin to Italy sa isang araw at ang dalawang baliw, mauuna ng isang araw.

"Wifey, hayaan mo na. Susunod din naman agad kayo ni Pearl eh." Kanina niya pa ako pilit hinahawakan pero inaalis ko ang kamay niya.

Bakit ba? Bawal magtampo? Huh! Diamond kaya ako.

"Sinadya niyo 'to ni AC no? Para-paraan niyo Fuego ah." Naniningkit ang matang saad ko na ikinatawa niya lang.

"You look like a jealous wife, Siana. Para namang maghahanap ako doon ng iba eh isang araw lang naman pagitan ng flights natin." Ang lawak ng pagkakangiti na sambit niya.

"I'm your wife, idiot. And anong sabi mo? So kung hindi isang araw ang pagitan ng flight natin maghahanap ka nga ng iba? Ayusin mo desisyon mo sa buhay Fuego." Naiinis na saad ko.

Hindi ko alam kung bakit napaka big deal ng hindi pagkakapareho ng flight namin. Siguro dahil nasanay na akong araw araw at oras oras ko siyang kasama?

"HAHAHAHAHA hindi nga, Siana. Bukod sayo wala na akong magugustuhan na iba. Kahit mga fafa pa yan." Pangiti ngiting sambit niya pa at akmang hahalikan ako ng itaas ko ang palad ko kaya nakipag kiss siya sa precious palm ko.

"Ang damot!" Angil niya.

Inirapan ko lang siya at tumayo na para lumabas ng kwarto.

Rinig ko pa ang pagmamaktol niya pero ramdam ko ang pagsunod niya sakin.

"Hindi mo ako mamimiss, Pearlyshell?" Pagkaupo ko sa couch ay yun agad ang narinig kong sinabi ni AC.

Magkatabi sila ni Pearlita sa couch sa harap ko at kasalukuyang seryoso ang mga itsura at parang napaka importante ng pinag uusapan.

"Hindi. Sino ka ba?" Basag ni Pearl.

Parang gusto kong tumawa pero pinigilan ko dahil nakakaawa naman si AC. Hindi ata gumagana ang pagpapacharming niya kay Pearl ngayon.

Nakaharap lang si Pearl sa cellphone niya at nagpipindot doon habang nakatitig si AC sa mukha ng sabon.

"Bakit ang sungit mo ngayon? Hindi ka naman normal na ganyan ah." Kunot noong ani ni AC.

Doon ko lang napagtanto ang nangyayari kay Pearl. May pagkakataon talaga na tino siya at masungit, kapag may dalaw.

"Because you're so annoying. Isn't it obvious that I'm not in the mood, Anabelle?" Kita ko ang panlalaki ng mata ni AC at bahagya pang nakaawang ang bibig na parang hindi makapaniwala na si Pearl ang kausap niya.

"Y-you.." May panginig nginig pa ang kamay na sambit niya.

Medyo OA, pero dahil kaibigan siya ni Ink, normal lang yon sa kanila.

Naramdaman ko naman ang paglundo ng couch na inuupuan ko at ang pag palibot ng braso ni Ink sa bewang ko.

"What happened to AC and Pearl? Why does my bestfriend look so terrified?" Rinig kong bulong niya matapos ipatong ang baba sa balikat ko.

I tried to ignore the loud drumming inside my chest and even cleared my throat before answering. Masyado ng malakas ang epekto ni Ink sa akin. Hulog na hulog na ako.

"Watch how Pearl's talking to AC." Pigil utal na saan ko at sumandal ng bahagya sa kanya.

Para kaming mag jowa na nanonood ng sine habang naglalampungan sa sinehan. Ang pinagkaiba lang napaka perfect namin sa isa't isa. Anong konek? Maganda kami.

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now