Prologue

29.6K 1K 537
                                    

Ink

Hindi ko mapigilan ang pagsimangot ko habang nakikinig sa officiant na nagsasalita sa unahan ko. Ang katabi ko naman ay pabulong bulong din ng kung ano ano.

Akala niya ba siya lang ang may ayaw dito? Huh! Ayaw ko din matali sa mahaderang katulad niya no!

"Do you Louisiana Shayke take Ink Fuego as your lawfully wedded wife, to live together in matrimony, to love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health, in sorrow and in joy, to have and to hold, from this day forward, as long as you both shall live?" Gusto kong masuka sa sinasabi ng nagsasalita sa unahan. Kung pwede lang humindi baka kanina pa ako tumakbo paalis dito!

"I do." walang kagana ganang sagot ng katabi ko. Narinig ko pa nga ang mahinang pag ismid niya. Grabe parang siya pa ang luge ah? Sa ganda kong to? Duh!

"Do you Ink Fuego take Louisiana Shayke as your lawfully wedded wife, to live together in matrimony, to love her, comfort her, honor and keep her, in sickness and in health, in sorrow and in joy, to have and to hold, from this day forward, as long as you both shall live?" Kung pwede lang sabihin na I don't ginawa ko na, ang kaso naka live coverage itong kasal na ito at alam kong itatakwil ako ng tatay ko pag umayaw ako.

Kasalanan mo talaga to Kuya eh!

"I.. do." There, sinabi ko ang mga katagang isa sa mga tatapos ng kasiyahan at kalayaan ko. Gusto kong umiyak at maglupasay!

Matapos non ay sumimangot na ulit ako. Buti nalang matanda na yung officiant kaya naka subsob na siya sa binabasa niya at hindi nakikita ang itsura ko. Mukha kasi talaga akong nalugi, panigurado.

"Ayusin mo ang pagbabasa ng vows mo Fuego. Baka kahit nandito tayo ay masapak kita." Napaigtad ako ng bahagya ng marinig ang mahinang bulong na yon ng katabi ko. Psh, subukan niya lang sapakin ako dahil talagang papatulan ko siya.

"Tss. Igaya mo pa ako sayo." Naiinis na sagot ko bago sinunod ang sinabi ng officiant na magharap kami.

Nagpaskil ako ng pekeng ngiti nang humarap ako sa babaeng ulupong na ito.

Ganun din naman ang ginawa niya. Tss, what a great actress.

Kinuha ko ang papel na nakatuping papel sa bulsa ng ladies suit ko. Ito yung vow na sinulat ni Kuya.

"I, Tyn--Ink Fuego, take you Louisiana Shayke to be my partner.." Gagi, muntik ko nang masabi ang pangalan ni kuya na nakasulat dito

"... my bestfriend, my loyal companion, and my wife. I promise to always let you win in any argument.." Yuck, never ko siyang papayagang manalo sa akin no? Kapal niya pala.

"...hold you when you cry.." Baka tawanan ko pa siya pag umiyak siya sa harap ko.

"... feed you when you're weak.. " Dream on! Hahayaan kitang magutom!

"... and be with you in all of the sunsets and sunrise of our lives.." Yuck! Ididivorce kita girl! Ang oa ng vows ni kuya ah, nakakadiri!

"... In the name of the Father, of the Son, and of the Holy Spirit. This is my solemn vow." Parang gusto ko masuka matapos basahin ang vow na sinulat ni kuya. Rinig ko pa ang mahihinang tukso mula sa mga bisita at hindi ko maiwasang mag roll eyes sa isip ko.

Nang siya na ang magbabasa ng vow niya ay hindi ako nakinig. May paiyak iyak pa talaga siya, akala mo naman totoo. Eww, napaka fake!

Nagpatuloy ang seremonyas sa pag papalitan namin ng singsing. Muntik ko pa ngang baliin ang daliri niya noong ilagay ko yung singsing sa kamay niya. Nang gigigil kasi ako. Naiinis ako!

"By the power vested in me, I now pronounce you Mrs. and Mrs. Fuego. You two may now kiss." Kasabay nang pag dedeklarang opisyal na akong nakatali sa babaeng demonyong ito ay ang pagguho ng buong mundo ko.

Bakit nga ba kasi ako ang sumasalo sa kapalpakang hindi ko naman ginawa?!

----

-zyg

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now