Chapter 11

15.6K 790 240
                                    

A/N: Magandang Umaga!

---

Ink

"Ay mga sister! Anets itey? Couple goals? Ganyan na ba ang bonding ng mag aasawa? For sickness and in health ang peg niyong dalawa!" Napasimangot ako ng makita si Kuya Tynt na pumasok sa shared hospital room namin ng babaeng palaka.

Hindi namin kinaya ang nangyari kahapon buti nalang tumawag si AC para mambulabog. Nalaman niya tuloy na pareho kaming may sakit kaya siya na mismo ang sumundo saming dalawa para dalahin sa hospital.

"Shut up, butterfly! Baka gusto mong mag fly high?!" Lou exclaimed a bit irritated, ang ingay naman kasi ni Kuya Tynt. Parang palakang kokak na hindi matahimik.

"Ha Ha Ha. Napaka waley mo sister! Hindi ka ba natutuwang makita ang kagandahan ko? Gagaling na kayong dalawa dahil sa presensya ng diyosa!" Alam niyo ba kung bakit hindi ko kinakausap si Kuya? Syempre hindi kaya sasabihin ko na.

Hindi dahil galit ako sa kanya dahil nakikipag espadahan pala siya. Kaya hindi ko siya kinakausap kasi hindi ko magets yung iba niyang sinasabi. Parang tanga kasi magsalita ang arte, parang naka cursive tapos manok ang sumulat. Ganun kagulo!

Tapos yung tono niya pa, baklang bakla. Baka humagalpak lang ako ng tawa kapag kinausap ko yan ng harapan.

Naalala ko pa mga panliligaw niya sa babae noon. Pati na din pakikipag halikan niya sa mga naging girlfriend niya. Umiiyak siguro mga ex niya noong nalaman na sumakabilang lahi si Kuya.

"Wag kang maingay Tynt, ang sakit ng ulo ko" Nakapikit na saad ni Lou habang hinihilot hilot pa ang ulo. Magkatabi lang ang bed namin kaya madali ko siyang makita.

Siya din yung nasa malapit sa pinto para kapag may pumasok na killer, siya unang matitigok!

"Ano ba kasing ginawa niyo at nilagnat kayo?" Kuya Tynt took the chair that's between the two beds. Nasa  gitna namin siya ngayon habang nagbabalat ng mansanas.

"Nasan ang jowa mo?" Walang konek na tanong ni Lou. Madalas talaga walang kwentang kausap tong babaeng to. Tinatanong siya tapos iba ang isasagot.

"Nasa baba. Pinapabili ko ng Chicken joy sa bubuyog na bakla" I saw Kuya stole a glimpse at me after saying those words. Napangiti nalang ako dahil alam ko kung bakit siya nagpabili noon.

Madalas kasi akong nagpapabili ng chicken joy kapag may sakit. Ewan ko din kung bakit pero trip na trip ko ang manok sa Jollibee lalo na pag nilalagnat.

"For Ink. Yeah, still the same huh?" My gaze turned to Lou, who's now looking at me with a grin.

Anong nginingiti mo dyan? Oo na! Favorite ko pa din yon, angal ka?

Gusto ko man siyang sigawan pero wala talaga akong boses ngayon. Tuluyan ng kinuha ng mangkukulam ang golden voice ko.

Bwiset na lagnat kasi!

"So ano na ba kasing happenings sa bahay niyo at nilagnat kayo ng sabay?" tanong ulit ni Kuya kay Lou dahil hindi naman ako makakasagot.

"Naligo kaming ulan sa loob ng bahay" Lou flatly said before accepting the apple slice that Kuya's giving her.

Bumaling si Kuya sakin at binigay sa akin ang kalahati ng mansanas. Kinuha ko ito at ngumiti sa kanya.

"Ay kafatid! Mabait kana ulit sakin?!" OA na sigaw niya habang nakahawak sa dibdib.

"K-kut..kut.. silyo!" Hirap na hirap na sigaw ko dahil hawak niya yung ginamit niyang pang slice ng apple.

Sa sobrang pagkataranta ko ay basta nalang ako tumalon mula sa kama kaya nahulog ako sa sahig.

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now