Chapter 3

18.1K 868 619
                                    

A/N: Will update every 3 or 4 Days o kaya depende sa paggana ng utak. Tatapusin ko lang H.O.Y bago ko to maupdate ng everyday! Thanks for reading!

---

Lou

Tuwang tuwa akong makita ang reaksyon niyang gulat na gulat at nanlulumo dahil sa desisyon ng mga magulang at grandfathers namin.

Well, pabor pa sakin nag nangyari.

Truth is I don't wanna be married to Tynt dahil alam kong miyembro ng fencing team ang isang yon.

Kaya I suggested na gawin niya yung nabungaran nila kaninang umaga. That way, I'll get to be engaged with Ink.

Hindi ko siya gusto okay? Gusto ko lang talagang iniinis siya dahil gumaganti din siya, in a very witty and funny way.

Wala nadin naman talaga akong magagawa dahil sa  ayaw at sa gusto ko ay kailangan ko magpakasal sa isang Fuego and Ink is a better candidate than Tynt dahil bacla ako.

"You should've disagree kanina!" Madiing bulong niya habang pilit na ngumingiti sa mga bisita.

Nandito kami sa pinakagitnang table sa connected garden ng bahay nila at bahay namin.

Dahil nga nangyaring desisyon ay natuloy padin ang party. Maayos naman ang lahat dahil wala naman talagang nilabas na pangalan kung sino sa dalawang Fuego ang fiance ko noon.

Hindi na naman din kasi issue ang same sex relationship ngayon kaya ginawa nila yon to stir the curiousity of the public since parehong sikat ang family namin.

And maganda nga din yon dahil naging pabor yon sa aming dalawa ni Tynt.

"I don't want to. Why would I disagree? Chance ko na to para inisin ka habang buhay" Natatawang bulong ko pabalik.

Napaka plastic niya talaga. Nakangiti siya habang kausap ako pero kita ang talim sa mga mata habang nakatingin sakin.

Grabe talaga galit ng babaeng to sakin. Well the feeling is mutual.

"Hindi ko gustong matali sa isang ulupong na kagaya mo" Napatawa naman ako sa tinawag niya sakin. Grabe talaga tong babaeng to.

"Ang ganda ko namang ulupong. Swerte mo nga sakin, pinag aagawan ako hanggang ngayon kahit na alam nilang may fiance na ako" Kita ko naman ang pag ikot ng mata niya dahil sa sinabi ko.

"Yeah right. Pinag aagawan my face. Gumising ka nga, nanaginip ka ata" Inis na talaga siya dahil kita ko na ang pamumula ng pisnge niya. Masyado kasing maputi tong babaeng to akala mo gluta ang iniinom araw araw. Nakakatakot baka isang araw maging transparent nalang siya sa sobrang puti niya.

"Hey, wag ka na nga mainis. Dapat masaya ka kasi engagement natin to" Malawak ang ngiting sabi ko bago walang pasabing hinalikan siya sa pisnge.

Kita ko ang panlalaki ng mata niya at ang pag awang ng bibig niya. Alam kong gusto niyang sumigaw pero di niya magawa dahil maraming matang nakatingin samin.

Kita ko pa ang pag ngisi sakin ni Tynt na katabi ang bf niya. Pati na din ang pag okay sign ng lolo ko na nasa table kasama ang family nina Ink.

Hays. Mukhang maeenjoy ko ang pagiging asawa niya HAHAHAHA

----

Naiinip na nag iintay ako sa labas ng kotse dahil ang magaling na si Ink ay sinasadya atang pag intayin ako talaga.

Naka schedule kasi kaming magpasukat para sa wedding gowns na susuutin namin.

Sobrang atat na ata family namin at after two weeks ay magpapakasal na agad kami. Mas maaga mas madaming pang aasar kay Ink.

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now