Chapter 2

20.1K 896 657
                                    

Ink

"Ano? Pinosas ka? HAHAHAHAHA wala ka pala Ink. Ang hina mo!" Pumapalakpak pang sabi ni AC.

Nandito siya ngayon sa company namin dahil nag alala dae siya kabani nang bigla nalang ako mawala. Sa inis ay nakwento ko tuloy lahat ng nangyari. Ang siste, tinawanan niya lang ako ng tinawanan dahil sa nangyari.

Nakatulog kasi ako daan kagabi habang papauwi. Nagising nalang ako kanina na nasa kwarto ko sa bahay at wala ng posas sa kamay.

"Shut up! It's not funny!" Naiinis na saad ko pero lalo lang siyang tumawa. Malakas ang loob niyan dahil sanay na siya sa ugali ko. She's been my best friend since second year highschool.

"So ano nang score? Lumalamang na ata si Lou sa cold war niyo ah" Tatawa tawang sabi niya pa habang nagpupunas ng mata dahil napaluha na siya katatawa. Yung totoo? Anong nakakatawa sa nangyari? Dapat magalit siya kahit kaibigan niya ako!

"Hindi ako magpapalamang sa babaeng yon, AC. You know me. Lintik lang ang walang ganti" I smirk as a super great plan enters my beautiful mind.

I saw how AC shakes her head. She really know me.

"Ah shxt. Here we go again"

~

Pakanta kanta akong naligo dahil today's the day ng engagement party ni Kuya at ng babaeng ulupong. Masaya ako kasi may surprise ako sa kanila. Siguradong matutuwa siya don BWAHAHAHAHA.

Madami pa namang dadalo ngayong araw dahil sikat ang parehong pamilya namin. This engagement will be the engagement of the century, as well as their upcoming wedding.

But I'm not excited, mas lamang ang pagka awa ko sa kuya ko dahil mahadera talaga yung babaeng yon.

Simula ng magkaroon kami ng alitan ay parang nagkaroon din ng silent declaration of cold war sa pagitan namin. Kapag kasama ang parents namin ay nagpaplastikan kami pero pag kaming dalawa lang ay halos magbatuhan na kami ng kutsilyo.

We cannot stand being alone with each other for more than a second, nakakamatay.

That's how much we despise each other's presence.

Nang makatapos maligo ay agad na din akong nagbihis ng simpleng pambahay. Mamaya pa namang gabi ang engagement party at dito yon gaganapin sa connecting garden namin at ng mga Shayke.

"Nanay Mow, may kape na po?" Masiglang tanong ko sa kasama namin sa bahay na si Nanay Mowrine, as in Mo-rin ang basa sa name niya. Nanay Mow ang tawag namin sa kanya dahil ang sagwa pag buong name niya. Parang batang nang aasar ng mama.

Siya ang nagpalaki samin ni Kuya Tynt dahil laging wala sina Mommy kaya sobrang close kami.

Sa sobrang dedication niya sa pagtatrabaho samin ay hindi na siya nag asawa. Ship ko pa naman sila ni Mang Oca, yung gardener namin na nagpapakyut sa kanya noon pa.

"Syempre naman. Makakalimutan ko ba ang kape ng prinsesa namin?" Nakangiting saad niya bago inilapag ang tasa ng kape sa harap ko. Inamoy ko muna ito bago binigyan ng yakap si Nanay Mow.

"Thanks, Nay! You're the best!" I gave her a thumbs-up at kinindatan ko pa siya na ikinatawa niya lang bago nagpaalam na tutulong na siya sa pag aayos sa labas.

Ako naman ay maganang ninamnam ang kapeng iniinom habang iniisip ang planong nabuo ko sa utak kagabi.

Ang brilliant ko talaga!

I gave myself a mental pat bago tumango tango. Kung may makakakita sakin ay aakalaing nababaliw na ako dahil tumatawa pa ako kapag naiisip ang sasapitin ng babaeng Shayke na yon.

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now